Monday, January 31, 2005

No classes.

Wala nanaman kaming pasok ngayon. President's day kasi. Pero bukas, meron na syempre. Hehe. At bukas na ren malalaman yung results ng speech fest sa Green Batch. Kung sinoman manalo Congrats! At wag kayo magpatalo sa Yellow. Hehehehe. Parang naisip ko lang, ayoko na pala manalo dun. Kasi pag nanalo class namin, syempre kailangan parin mag practice. Ngayon pa, na ang kasabay eh yung play production namin. Hehehehe. Anyway, kakagising ko lang. Medyo maaga na nga toh eh para sa walang pasok. Kasi dapat mga 12 pa ko usually. Ewan, nagising ako ng maaga eh. Hahaha! Nagising ng maaga pero late ako natulog kagabi kasi late na ko umuwi. Hehe. May party lasi kaming pinuntahan. Birthday ng tita ko. Syempre, as usual puyatan nanaman dun kaya yun. Mga 2am ata ako natulog. Maaga pa nga yun eh. Hehehe. Buti nalang wala akong pasok today. Swerte! Kaya iniinggit ko kagabi yung mga pinsan ko. Hahaha! Tapos nung morning, maaga rin ako gumising kasi choir kami sa mass. Na late nga ako eh. Haha. Kasi dapat 8:30 am yung meeting time. Dumating ako mga 9:15 na ata or 9:20. Basta yun. Pero ok lang naman yun. Hehehe. Ang saya nga eh, kasi after mass pinalakpakan kami. Bihira yun ah! Hahahahaha! Sana everytime na kakanta kami papalakpakan na kami. Haha!

Muntik pa pala kami magkatraining ngayon. Kasi kagabi tnxt ako ni Sir na training daw tom. Tapos wala siyang binigay na time. Tapos yun pala di niya alam na wala kaming pasok ngayon. Kaya yun, nag txt si Ivana kaninang umaga at sinabi niya na wala daw training. (Yes!) Hahaha! Pero bukas, sigurado meron. Sa totoo lang, dapat nagaaral ako sa Bio ngayon eh. LT namin bukas. Hahaha! Marami pa naman oras eh. Kaya yan. :)

Gusto ko ng ganito.....


It's a Mogu Courage. Gusto ko niyaaaaan. Hehehe. Actually kahit anong Mogu People ok lang sakin. Basta gusto ko ng Mogu!!!! :P Hahaha!

Marami pa kong gusto actually. Gusto niyo malaman? Next time nalang. Ciao! :P


Currently listening to: Akap - Imago
Currently feeling blank.

No comments: