Thursday, February 24, 2005

Life attracts life.

Got home early because we have no training or play prod. practice today. Ngayon nalang ata ulit ako nakauwi ng may araw pa. Hahaha! But tomorrow will be a very busy day. No classes but we have a WHOLE DAY play prod. practice. As in 8:00 am to 9:00 pm, I think? What can I say? We really, really, REALLY need to practice because our TDR will be on Monday already. At kasabay pa ng Bio long test. Whew, hell week again! Sana lang wala na munang training. But I have this feeling na meron kasi baka magkaron kami ng practice game with.. with I don't know. Basta sa Ateneo yun. Well, tignan nalang natin. Hehehehe.

Di ko pala nakasama si Xinxin today. Siguro nagkita lang kami mga 10 seconds. Hehehe. Kunwari nalang kanina lang tong pic. na toh. Hahaha!


Xenia and I at Shakeys. Last Last quarter pa ata toh. Hahaha! XD

Anu-ano bang mga gagawin simula bukas? Shux, ang gulo gulo ng buhay ko. Hindi organize yung mga gagawin ko. Hahaha! Siguro nga yung test sa guidance tama, ang baba ko kasi dun sa organize blah blah.. haha. Tapos ang taas ko dun sa.. uhm ano nga yun? Basta sabi pwede raw ako maging guidance counselor. Hahaha! Wala naman ata akong balak maging ganun? Hahaha! Anyway, ayusin ko na nga "buhay" ko! Hahaha! Lagay ko nalang dito sa blog ko para maisip ko rin yung mga dapat kong gawin at ma remind ako. Kailangan ko na magbago! Hahaha. Ngayon lang kung kailan 2 weeks nalang kami papasok. Hahaha. Pero tama yun. Eto may nabasa ko dati, matagal na pero naalala ko lang bigla.

"The secret is here in the present. If you pay attention to the present, you can improve upon it. And, if you improve on the present, what comes later will also be better."
-The Alchemist by Paulo Coelho

Right? Yeah, it is absolutely true. Pag may gusto tayong baguhin, for example sa kalagitnaan ng 2nd quarter ang baba ng grades natin, tapos disappointed ka na syempre gusto natin tumaas grades natin, tapos sasabihin natin "Sa 3rd qurter talaga gagalingan ko na!". Hello? Di niyo ba napapansin, hindi siya natutupad pag sinabi nating sa 3rd quarter pa. Ilang beses na nagyari sakin yan eh. Hahahaha! Kailangan talaga pag sinabi mo na "Magbabago na ko!" dapat simulan mo na agad right after mo sabihin yung sentence na yun. Walang mangyayari pag sinabi mong "Bukas talaga magbabago na ko!" kasi minsan di natin napapansin, nakakailang "bukas" na tayo. Hahahaha! Di natin napapansin na 1 month na pala natin sinasabi yung "Bukas talaga!" o "Bukas na talaga!". Hahaha.

But you know what's funny? Alam ko na nga tama yang mga bagay na yan, alam ko na tama talaga siya base from my experiences pero an gulo gulo ko paring tao. Hahahaha!

Ayoko na nga, kung anu-ano na nasasabi ko dati na hindi dapat sinasabi eh. Hahaha!



Currently listening to: Shiver - Maroon 5
Currently feeling dehydrated.

No comments: