Wednesday, March 30, 2005

Insomniaaaaac.

Sooooo, hindi pa ko natutulog sa oras na toh. 7:20 am na at di pa ko natutulog. Hahaha. Waaaah, baliktad na talaga ang araw at gabi ko. Sa totoo lang nalilito na ko kung ano yung kahapon at kanina. Hahaha, nasanay na kong ganito ang tulog. Ano ba ito. Insomniac na talaga eh. Sa totoo lang medyo gusto ko na bumalik sa dati ah. Hahaha.

Nag sleepover kami sa new house nila Krina nung Monday at ang sayaaaa sobraaaa. Well, actually, parang di na siya sleepover kasi di naman ako natulog. Hahaha. 7 kaming nag "sleepover", Ako, Krina, Laine, Gina, Monique, Noemi, and Rya. Ang plano kasi walang tulugan eh, so syempre game ako dyan kasi kaya ko. Kaso iniwan nila ko, nakatulog sila. Huhuhu. Ako lang yung gising the whole time at para kong nagbabantay sa kanila matulog. Hahaha. Security Guard nila ako! Hahahahaha! Tnry ko naman matulog kaso di talaga ko maktulog eh. Kaya yun, gising lang ako. Di naman ako nabored kasi inaliw ko sarili ko. Pinagtripan ko sila habang tulog, pinicturan ko sila isa-isa. Hahaha. Iba ibang itsura eh. Si Laine parang patay. Si Krina parang namomoblema. Si Monique, parang di nagsuklay ng isang linggo. Hahahaha! Si Gina parang ang sungit. Si Noemi malalim ang tulog. Si Rya di masyado nakita dahil madilim yung kanya eh. Yung pwesto nya kasi eh. Hahahaha, hanggang ngayon nakasave paren yun sa phone ni Krina. Hahahaha. XD Aion, inantay ko sila magising at pag gising nila gising parin ako. Hahahahahaha. Tapos nakakapagtaka, ang hyper ko paren. Nag basketball pa kami eh. Hahaha. At sumayaw sayaw. Hahaha. XD Anyway, bago mangyari yun, may mga iba pang nangyari.. nanood kaming The Notebook. Diba nakakaiyak yun? Pero di ako naiyak, weird. Mabilis pa naman ako maiyak sa mga movies na nakakaiyak, pero dito di ako naiyak. Weird talaga. Hahaha. XD Tapos, ang astig sobra nung kumakain kami sa balcony. Dun kami kumain kasi ang ganda ng view. Kita yung Marikina City lights. Ang ganda ganda talaga. Ang sarap mag muni-muni dun. Hahahaha! Basta ang romantic kasi nung place nung bagong bahay nila Krina eh. Asteeeeg! Tapos habang kumakain kami sa balcony, may napansing weird si Monique sa view. Basta weird tapos after ng ilang minuto, na figure out namin na moon pala yun kasi onti onting tumataas. Tapos yun, moon nga siya at ang ganda. Kasi nakita namin siya na tumataas. Weird nga eh kasi mga 8:40pm na yun tapos wala pa palang moon. Asteeeeeeg talagaaaa! XD Hahaha, first time ko yun makita. Actually lahat ata kaming nakakita first time namin makita yun. Hehehe. XD Naalala ko tuloy si Gina, ayaw kasi maniwala ng mga kapatid niya sakanya nung kinwento niya yun eh. Hahahaha. Go Gina! XD Aion, nag food trip ren kami. Sobrang patabaan ata yun eh. Hahahaha. XD Ang dami namin kinain. Lalo na si Rya! Wahehehehe. Inupakan yung Chips Ahoy. Musta ka naman dyan eh ang laki nun eh. Hahahaha.XD Tapos sound trip ren. Basta madami pang nangyari na masaya. The whole time na magkakasama kami masaya kasi.. magkakasama kami. :)

Nagwowonder ba kayo kung nakatulog ako o hindi? (Feeling! Haha.) Well, nakatulog naman ako. Kasi nung pumunta na kami sa bahay nila Laine, yun ang plano. Matulog. Kasama ko nun sila Noemi, Rya, at Monique. At si Laine ren syempre. Tapos yun dun kami sa kwarto ni Laine at siksikan kami dun. Si Rya pala nasa floor kasi tinulak siya ni Noemi dahil nakakabwisit kasi kanta ng kanta ng "this is how the pieces fit.." basta yun yung simula ng song na Love Moves pero inalis niya yung "Who'd have thought.." at nakakairita pakinggan SWEAR! Hahaha. XD Kaya yun. Hahaha. Natulok tuloy ni Mimi sa floor pero syempre pajoke lang yun pero di na tumayo si Rya. At sabi nila, nakatulog na daw dun sa floor. Haha. Di ko na alam nangyari nun kasi... tentenenentenen, NAKATULOG NA KO!!! Hahahaha. Oo naka tulog na ko. Pero puto putol talaga tulog ko kahit kelan. Nagising ako unang beses, tapos lahat kami tulog at nasa tabi ko na si Laine. At si Rya nasa floor pa, so nakatulog nga talaga siya dun. Hahaha. XD Tapos yun, yung next na gising, wala na si Laine. Yung next Tatlo nalang kami nila Nik at Noemi. Tapo yung next ginigising na kami ni Lain pero ayoko ewan ko kung ano nangyari kila Nik at Mi. Tapos yung next si Nik nalang at ako yung natutulog. Tapos yung next ako nalang. Hahahaha! Sa pagkakarinig ko nung time na yun, ginigising nila ko kasi kakain sila. Pero ayoko talaga tumayo. Hahaha! Tapos yung next ako nalang ulit, pero di ako bumangon at natulog ulit. Hahaha. Tapos yung next ginigising na ko ni Laine pero ayoko paren. Tapos yung next ako lang ulit. At this time tumayo na ko. Hahaha! Kasi mga 3:30pm na yun eh. Tapos may despedidia pa for Laine ng 5:00? or 6:00? Anyway, mga 7:00 na ko dumating eh. Hahahaha. Aion, pag gising ko, bumaba ako at andun pa sila Nik, Mi at andun na ren si Krina nakaligo na tapos kami nila Laine, Nik at Mi hindi paaaa. Wahahaha. Siguro kung walang pinabili yung Mom ni Laine sa coop di pa ren kami uuwi. Hahaha, Naka car kasi kami nun malamang dahil di ako sasama noh kung lakad, nakapantulog pa ko eh. Hahaha! Tapos after bilin yung pinabili nagpahatid na kami kay Laine sa house. At yun, umuwi lang ako para maligo at mag ayos ng kwarto kong parang jungle dahil la akong paki lately. Pero ngayon ayos na siya. Hahahaha. XD

So yung despedida, masaya naman at may mga nagyaring iba na hindi maganda pero naging ok ren. Pero hindi naman about samin yun. Hehehe. Yung mga times na may nangyari parang ako, wala pang kaalam alam nun kasi si Dq kausap ko sa cell hanggang mga 3:30am. Hanggang dun lang siya, "outsomniac" daw siya eh. Term nila ni Ea. Hahaha!XD Pucha kasi hyper kami pareho kaya laughtrip talaga eh. Hahahaha. Aion, basta nakauwi ako ng mga 5:00 am na. Hahahaha. XD Tapos di paren ako natutulog hanggang ngayon. Siguro after nito matutulog na ko. Para naman maaga-aga ng onti sa 10:00am. Hahaha. XD Aios nga eh, nakita ko na umalis ate ko para pumasok tapos ako kakauwi ko palang. Hahahaha. XD Nakikain pa ko sa breakfast niya. Hahahaha. Ganyan lang talaga, summer eh. Lubusin. XD

Currently listening to: Forget - Typecast

Monday, March 28, 2005

Cause it's all in my head.

So it's been 10 years since I last updated my blog. Haha, kidding. XD But I didn't blog for 5 days, I think? Yeah. I don't know why, I just decided not to use the computer. Penitensya ko. Hahaha, just kidding again. But seriously, Holy week was a bit productive becasue I didn't waste my time facing the computer tapos online pero wala naman talagang magawa kundi mag ym, surf, bloghop, etc.. Hehe. I'm proud of myself dahil napigilan ko. Hahaha. Well, napigilan ko dahil parang di ako nakatira dito sa bahay. Umuuwi lang ako pag matutulog ako. Pag gising, ligo, bihis, alis papunta sa ibang bahay. Hahahaha.
Yan ang Holy Week ko. XD

Sa limang araw na hindi ako nag update, masyado ng madaming nangyari. Hahaha. Kaya ayoko na isa isahin pa yung mga yun. Ttype ko nalang kung ano man yung mga natatandaan ko na nangyari randomly.

Tuesday night, nag ps2 kami nila Rya, Laine, Monique at syempre si Meryl dahil sa house nila Meryl yun. We stayed there until 10:30 pm tapos uwi na sa kanya kanyang bahay. Yeah I know, maaga pa at may time pa ko mag online. Pero pare, tinamad ako eh. Hahaha. Natulog na ata ako nung pagdating. Hahaha. The next day, woke up early to swim with Monique and Laine. Yeah!!! Ang saya, nag swim kami sa clubhouse. Kaming 3 lang dahil kami lang yung gumising at pwede. Err. Pero masaya paren. Hahaha. Umitim kami pero ok lang naman di naman sunog eh. Hahaha. XD And take note, ang gwapo nung kid na nakasabay namin. His name is Benito and he's 4 years old. Haha, yoko na pati yung bata napansin eh. Cute kasi sobraaa eh. Nakasmile lang lagi. :) Gwapo yun paglaki. Right Monique? Hahaha. XD After swimming, mga 11 yun, umuwi muna kami para maligo at kung anu-ano pa. Ako natulog ako hanggang 6pm after maligo. Hahaha. Actually dapat hanggang 2:45 lang ako matutulog kasi lalabas ulit kami. Kaso mantika yung tulog ko eh. Hahaha. Pero nung nagising ako lumabas paren ako kasi sinundo nila ako. Hahaha. XD Tapos nag basketball kami sa bagong house nila Krina. Astig ang saya. Namiss ko ang basketball. XD Tapos tumambay lang kami dun sa balcony nila kasi ang ganda ng view sobra. Nakakasenti at ang sarap mag muni-muni dun. Hahahahaha. Swear, totoo! Iba. Hahaha. Andun lang kami kwentuhan. Thursday-Sunday, spent my time with cousins and relatives. Nag bisita Iglesia pala kami. Ang saya ren nito eh. Umabot kami ng Manila. Kasi gutso ng Tita ko dun sa San Agustin church at Manila Cathedral. Ang saya kain kami ng street food. Kakamiss yun kaya enjoy talaga. XD Grabe, movie marathon kami at food trip. Hahaha. Wala talagang pigil eh. XD

Eto mga pinanood namin:

Million Dollar Baby
- good one. Nakakainspire kasi yung role ni Hilary Swank. Sobra yung determination niya para gumaling sa boxing. Parang sana ganun ako. Muntik ko na siya idolize nun pero there's something in the end of the movie na medyo nainis ako. Badtrip kasi yung nangyari sakanya kaya parang nawala yung pag "hanga" ko sa role niya. Pero kahit na ganun, ganda ng story. XD

Constantine
- Okay, so Keanu Reeves is not hot... he's SOOOOOOOOO hot. Hahahaha. Yeah, his role is John Constantine at bagay sa kanya yung role. Grabe pare, ang lakas mag yosi eh. Hahaha. XD Lupet. Pero ang gwapooooo niya! As in. I absolutely like the movie. No, I didn't like it, I LOVE IT. Hahaha. Sana nga may part II eh. XD

Bruce Almighty
- Twice ko nang napanood so yun. Haha, still funny kahit pangalawa na. Hahahaha. XD

Alfie
- Ayos lang, maganda ren. Jude Law is hot too. Fashionista eh. Hahaha tsaka astig ng nose niya eh, ang ganda tsaka basta may something sakanya. Bagay tong movie na toh sa mga chick boy na medyo iba na yung level. Hahaha. XD Labo, basta yun.

Hitch
- Eto astiiiiiiiiiiiig sobra. XD Mga diskarte ni Will Smith eh. By the way, it was entitled Hitch because Will Smith's name here is Hitch. Kaya yun. Astig talaga. Very good story. Ewan wala kong masabing iba kundi astig eh. Hahaha. XD Tsaka masaya pa nito, kumain kami ng Yellowcab habang nanonood. Padeliver kami. Hahaha. Saraaaaap! XD

Serendipity
- Twice ko na ren napapanood. Pero kinilig parin ako. Hahaha. Maganda talaga kasi eh. Ang sweeeet nung story. Hahaha. Nakaka in love yung movie eh. Ang sarap panoorin. Hahaha. XD At parang narealize ko na meydo kamukha ni John Cusack yung vocals ng Hoobastank. Hehehe. XD Tapos ang pretty pretty ni Kate Beckinsale dito. XD

The Forgotten
- Weird toh pero maganda! Hahaha. Nakakagulat siya. Kasi kakaiba yung story na toh eh. Hahaha. Magugulat ka talaga sa ibang parts, at mapapaisip ng sobra. Pero astig ang ganda ren. XD

Magnifico
- Grabe tong palabas na toh. Para sa mga di nakakaalam local toh ha. Iba tong movie na toh, pinaiyak ako ng sobra eh. As in ang hirap talaga magsalita kasi sobra yung iyak namin ng isa kong pinsan at ate ko. Hindi na kami naguusap kasi lahat kami ang lala na ng iyak. Hahaha. Hagulgol na ata eh. Haha. Joke. XD Di naman ganun, kasi hagulgol maingay, kami medyo tahimik pa eh. XD Iba toh, nakaka konsensya.


Aion, yun lang ata. Di ko alam kung may anlimutan ako eh. Hahaha. XD Basta yan yung iba kung may nalimutan ako. Hahaha. XD May isa pa pala kaming pinanood, "The Life Story of Julie Vega" sa Cinemaone. Woah. Luma ka ba pero nakakakilabot kasi duh, patay na yun. At may mga parts kasi eh na nakaka ano talaga, yun. Hahaha, yoko na tong topic. Hahahaha. XD Kahapon nagpunta kami ng SM Fairview. I bought 2 pairs of slippers again. Hehehe. Ang cuteeeeee! Isang red at isang apple green. XD Haha, di ko nga alam kung bakit pa ko bumili maayos pa naman mga slippers ko. At isa palang ata yung laspag pero matino paren. Hahaha. Wala lang, ang hilig ko sa slippers eh! Lalo na flip flops. XD Mga flip flops sa Banana Peel. Asteeeeg tapos mura pa! XD Well, nagiging collection ko na ang slippers. Hahaha. XD Ngayon ko lang narealize na marami nga talaga pala akong tsinelas. Hahaha. May nagsabi kasi sakin nun before sa school, na nag dami ko daw slippers kaso nalimutan ko na kung sino nagsabi eh. Tapso parang ako di ako nadadamihan. Hahahaha, madami pala talaga. Syempre iba pa nakapansin. Hahahaha. XD Tapos may bago yung Wendys ngayon. Frosty Coffee Jelly. Sarraaaaap! XD Promise. XD

Check this out!

Image hosted by Photobucket.com
That's Havaianas Floral. Yung isang flip flops na nabili ko parang ganyan. Hahaha. Pero it's not Havaianas. But it looks like the same. Almost the same. XD Hehehe.

Pero parang gusto ko ng Havaianas ah. Lalo na yung Hibiscus na white tsaka Brasil na white ren. Err, ang gandaaa talaga. Pero kung gusto niyo kong regaluhan kahit na anong Havaianas ayos lang actually. Hehehe. Maganda naman lahat eh tsaka hindi rin looks yung habol ko eh, tibay kasi eh. XD Hahaha, pag nagkapera talaga ko. XD

Whew! 4 straight days na ko nagpupuyat. Nung Thursday 5:30 am na ko natulog tapos Friday and Saturday 4am. Tapos Sunday 5am. Wuhoo!! Ano na nangyari sa sinabi ko na nagyong summer by 10pm tulog na ko. Latest na yun. Hahaha. XD Ang hirap kasi eh, daming temptations. Hahaha. XD Yes ang saya later sleepover kami sa new house nila Krinaaa! Excited na ko. XD Grabe, ang tiyaga mo kung binasa mo toh. Pwede bang malaman kung sino kayo? Pag binasa niyo toh ng buo, mag comment kayo saken ha. At may reward kayo.XD



Currently listening to: Let me go - 3 Doors Down

Tuesday, March 22, 2005

Snatcherrrrrrrr! XD

Yesterday night we went to Cavite to celebrate my cousin's graduation. We arrived there at 10:00 pm already. Grabe ang tarffic eh tapos ang late na namin umalis ng bahay! But it's ok kasi masaya naman nung nasa van kami. My cousin told us something really, uhm.. I really don't know how to describe it. Basta eto nalang, nangyari siya at the same day. He was working out at Powers (I'm not really sure about the name) Gym at Ever Gotesco Commonwealth Mall tapos biglang may dumaan daw sa harap nila na "weird" na guy kasi sobrang bilis ng takbo tapos akala nila nag wawarm up lang kasi papasa naman daw yung suot niya na nag ggym talaga. Hahaha. Pero bigla siyang pumasok sa CR tapos dun biglang may sumigaw na guard at sinabi "Snatcher yan!". Syempre everyone who's inside the gym panicked. But, instead of being afraid, inabangan ng isang instructor yung guy na lumabas ng CR at paglabas binugbog niya then yung ibang nag woworkout dun nakisali ren at talagang binugbog nila yung guy. Pero my cousin didn't join them ha. Hahaha. Nagdalawang isip kasi siya kasi parang sobra na kaya di na siya nakisali. Grabe sa pagkwento niya, nakakaawa yung guy kasi sobrang nabugbog talaga at nabalian na nga ata siya eh. Only to find out na ang kinuha lang pala niya sa grocery ay isang chocolate na Cadbury. Woah! Dun nanghina yung mga bumugbog sa kanya kasi parang alam mo yun, yun lang? Tapos sobra sobra yung pagbubugbog nila Hahaha.

Good thing my cousin didn't join them. Grabe, diba kahit sabihin nating snatcher daw siya hindi naman niya deserve na mabugbog ng ganun? Dahil sa isang chocolate? Pero we really can't blame naman the people na bumugbog kasi medyo exag ren yung guard eh. Sana instead of shouting na "Snatcher yan!", sana "Shoplifter yan!" nalang diba? Para at least, mas malinaw. And take note, nung sinigaw nung guard yung "Snatcher yan!" may kasama pang pagtutok ng shot gun. So hindi mo na talaga masisisi yung mga bumugbog sa guy. Pero para rin sa guy na yun, sana hindi siya sa gym dumerecho kasi syempre yung mga tao dun mga nasa kondisyon yun mambugbog at mga macho. Hahaha, sana dun siya pumasok sa katabi ng gym na parlor kasi kung dun siya magtitilian lang yung mga tao dun at hindi siya mabubugbog. Hahahaha. Well, di ren na masisisi kasi kung ako yun di ko na ren maiisip yun. Siguro ang nasa isip nalang niya ay makatakas kaya yun. Pero sabi nga ng pinsan ko, magnanakawa paren sya. Pero nakakaawa paren somehow kasi what if first time lang niya ginawa yun? What if bibigay lang pala niya sa anak niya? or mala "Robin Hood" daw na ibibigay sa mga bata. Haha joke lang yung last. Pero diba? What if pasalubong lang talaga niya yun sa mga anak niya? Tapos bugbog inabot niya. Kaawa naman. :C Well, ganyan talaga buhay, siguro ang pinaka dapat masisi sa lahat eh yung guard. Hahahaha! XD

Haay, ang tiyaga mo kung binasa mo yung mga knwento ko sa taas. Hahaha. Grabe, I have no plans for today. I don't know what to do later after doing this. Well, ganun naman eh. Parang kahapon. Hindi ko alam na pupunta pala kaming Cavite. Hahaha. XD Maybe, I'll go to my cousin's house later para mag treadmill then I'll go to mass with Monique and Noemi. XD

I am missing 2-8 again. Just saw Inna's blog yesterday and I got some pictures there. XD Thanks Inna! XD

Image hosted by Photobucket.com
Jowee, Me and Inna. Gawd, I miss them sooooo much. :(

Image hosted by Photobucket.com
Marami kami dito eh. Hahaha, basta sa bus yan nung fieldtrip. XD

Image hosted by Photobucket.com
Kabukiiii! Awww..:(

Image hosted by Photobucket.com
Sir Jeff (Social teacher and HR partner), Sir Teng (Math teacher), Ms. Mac (Bio teacher and HR) and Sir Pino (CL teacher)!!! Ang sabaw nila ang funny! Hahahaha! XD

Eto na muna sa ngayon. MAsyado na mahaba eh. Hahaha. XD Bye!


Currently listening to: Let me go - 3 doors down

Sunday, March 20, 2005

Tambarks

I am really, really tired now but I am also happy, very happy kasi kahit pagod ako nag enjoy naman ako ng sobra sobra sobra, SOBRA. That's why I'm forcing myself to blog because I promised to myself na hindi pwedeng hindi ako makapagblog bago matapos tong araw na toh. Hahaha. XD

Anyway, just got home from Enchanted Kingdom with my village friends Krina, Laine, Noemi, and of course, Gina and her family who paid ALMOST everything for us. I'm not kidding! Sila nagbayad samin sa EK tapos sila rin transpo namin at madami pang iba. Thanks talaga Gina. :) Maraming maraming maraming salamat. :) But before going to EK, we first went at Buena Vista at Batangas. Nag horse back kami dun. Hahaha. Tapos badminton. Dapat magsswim rin kaso wala kaming dalang swim wear eh. Ang ganda kasi nung pool eh. Ang linis sobraaaa. We also had our lunch there. Basta kasi Gina's parents were invited there ata tapos sinama kami, ang sayaaaaaaaa. XD Sobrang di ko maexplain yung saya kanina. Tapos dun kami nakaisip ng bagong name sa kada. Nuebe is now known as Tambarks. Haha. Pero this time, walang specific members. Haha. Basta yun na yun. Hahaha! Sayang lang kasi wala si Monique, Meryl, Rya and Julienne. Kung masaya na kanina syempre mas masaya kung andun sila. Onga pala it's Julienne's birthday today!

HAPPY BIRTHDAY JULIENNE MORADA!!!! XD

And, Rya's graduation too. CONGRATS RYA! Si Laine rin pala and Julienne and Meryl nung Saturday. CONGRATS SAINYO! XD

Anyway, let's talk about what happened at EK. Haha. Well, una naming ride Flying Fiesta. Hahaha. Warm up muna. Hahahaha. Then Rialto, at ang corny. Haha. XD Tapos, di ko na maalala. Hahaha. Halos lahat naman sinakyan namin eh. Basta naaalala ko, nung sumakay kami ng Space Shuttle, ako lang magisa. Hahahaha! Kasi 5 kami eh. So may isa talagang walang kasama. Tapos, yun. Sabi nila ako nalang magisa kasi daw ako naman daw yung gustong gusto sumakay dun. Hahaha. Pero ayos lang, sarap nga magisa eh. Hahahaha. Gusto ko pa nga umulit after eh. Hahaha. Pero ayaw na nila eh. Awww. Hahaha. XD Well at least napa sakay ko naman sila ng Space Shuttle. Hahaha. XD Tapos kung minamalas ka nga naman, Sobrang nabasa ako sa Rio Grande. As in BASA talaga ako. Kaya hanggang pag uwi ko dito sa bahay medyo basa pa yung pants ko. Haha. XD Pero basa rin naman sila. Feeling ko lang grabe yung akin. Hahaha. Actually pinagawayan pa namin kung sino pinaka nabasa. Hahaha. Pero si Gina swerte kasi medyo onti lang talaga yung nabasa sakanya. Ok lang kasi siya lang rin kasi may cellphone samin eh. Kaya mas kawawa siya pag nabasa pa siya. Tapos yun, madami pang ibang nangyari at sa sobrang dami di ko na malagay dito. Haha. Seryoso! Tsaka siguro pagod na rin ako kaya ganito. Hahaha. Sobrang FUN talaga. I love my friends so much.XD I love Tambarks! Hehehehe. XD

Image hosted by Photobucket.com
Noemi, Me, Meryl and Laine. XD Mga kabaliwan sa bahay ni Laine. Hahaha.

Image hosted by Photobucket.com
Medyo matino-tino pa kami ng mga oras na toh. Hahahaha. XD

Eto na muna sa ngayon, wala pa kong latest pic na medyo kumpleto kami eh. Next time. XD

Oh my gawd, I just heard na talo si Pacquiao. Err, sayang. Di ko kasi napanood eh kaya natalo. Hahaha, just kidding. Well, ayos lang yan Manny, you're still the best. Yuck, parang close kami eh noh? Hahaha. XD

2-8! Miss ko na kayo, next time na ko magpopost ng about saten. Ayoko umiyak ngayon. Hahaha! XD

Gina!!! Thanks talaga!! Sobrang THANKSSSSSS! Love yah! XD


Currently listening to: Cab One - 13needles

Wednesday, March 16, 2005

Lagi nalang.

Just got home from school and we had our Math and Filipino exam. But I don't want to talk about it anymore. Sakit lang sa ulo yun. Hahaha. XD Basta ang alam ko, pakiramdam ko di ako nagaral kasi parang pagdating ko ng bahay tulog agad ako at gumising ng mag 10:00 pm at natulog ulit ng 11:00 kasi sabiko sa sarili ko maaga nalang ako matutulog tapos gigising ng mag 3am para dun nalang magaral. But no, nagising nga ako ng 3am pero tumayo ako ng 5am. Hahaha. Saya. XD Binawi ko yung pagpupuyat nung gabi. Dun pa sa araw bago mag exams. Hahaha. XD

Yesterday, we were dismissed around 12 but I wasn't able to go home early because I attended the Student Achievers' Merienda with some of my teammates. Onti lang kaming pumunta, ako, Maggie, Amanda, Dea, Jus, Cathy, Osang, Joj, Sam, Abee, Pau, Viene, and Sir Ed. 3pm pa yung start nun kaya tumambay muna kami nila Maggie at Amanda sa library para magaral. Hahaha. Good girls eh! XD Actually, feeling ko sila lang yung talagang nakaaral kasi di ako makaconcentrate nun eh. Sobrang gusto ko ipikit yung mata ko nun kasi nung isang gabi 3am na ko natulog dahil sa lab report. At, astig kasi nung gabing nagpuyat ako nun, may ka ym pa ko na nagpupuyat din dahil sa lab report kaya masaya. Haha. Si Reggie the Bully at si Christine. Haha. XD So yun, natulog ako sandali sa library. Hahaha. Di ko na nakayanan eh. Natulog nalang ako, at pag gising ko nainggit sakin si Maggie. Hahaha. XD Tapos yun, onting aral habang hinihintay mag 3:00 pm. Tapos nung andun na kami, wala naman kaming ginawa kundi umupo, tumayo, magpapicture sa President ng school at syempre kumain kaya nga Student Achievers MERIENDA eh. Hahahaha! Atig ng food! Nag improve compared sa food last year. Hahaha. Mas nakakabusog yung ngayon. Tapos eto pang sila Maggie ang daming kinuha nung bumalik. Hahaha. Halatang di kumain after dismissal. Hahaha. XD Sayang maaga umalis mga seniors, miss ko pa naman na sila. Pero ayos lang, nagpaka vain kami dun nila Viene at Pau habang iba pa yung mga nirerecognize. Hahaha. XD

Image hosted by Photobucket.com
Viene!! Sa wakas may pic na tayong dalawa. Hahaha. XD Ang tagal rin nating nagpicturan niyan ha! Nakakangawit ngumiti! Hahaha! Nakita pala si sir sa likod natin at may sumisingit pala sa gitna natin. hahaha! XD Napnsin mo ba yan?!

Image hosted by Photobucket.com
this time, with Pau. hahaha! XD

Aion, yan na nga lang ang nag iisang pic na kasama si Viene at pati si Pau tapos ang sbaog ko pa. Hahaha! Halatang di natulog nung gabi. Hahaha. XD Haay, Namiss ko yung team.. most of all the SENIORS. Sobraaaa. :c
(Lagi nalang, ilang beses ko na ba nasabi yun dito? Hehehe. XD Pero totoo eh.)


Currently listening to: No Ordinary Love - Urbandub
Currently feeling sleepy again.

Friday, March 11, 2005

The Delusion Stroll

I was walking alone
In a windy hours of darkness
The breeze makes me chill
I have no idea where to go
Then I suddenly felt the emptiness in my heart
My mind was puzzled.
Then I remembered you.
I felt the loneliness within myself
That I want you to fill up
I crave for your presence
I want to see your face
I'd like to hear your voice
I want you to walk with me.
Walk with me,
And make me feel the bliss inside my heart
But then again,
I'm just all by myself
Dreaming that you would walk with me forever..


-I did this but it's not a new one. I wrote this before and I found it at my old blog. Di ko alam kung bakit ko ba nirerepost pero basta, magulong usapan pag inexplain. *evil laugh* XD

Love moves in mysterious ways.

LSS ako sa kanta na yan ngayon. Hahaha.

Ang tagal nanaman akong hindi nakapagpost dito. Di kasi ako nakakaonline lately eh. Ngayon nalang ulit. Dami kasi ginawa eh. Sa dami nun parang ayoko na alalahanin pa lahat. Except nalang sa nag disect kami kahapon at.. at nakakaawa yung frog eh. At hindi ako nandiri sa frog at sa dugo niya. Nandiri lang ako sa eggs niya. Kasi sobrang daming eggs nung napunta samin. Babae kasi tapos payatot pa kaya yung ibang organs niya maliit lang pero ang daming eggs. Tapos name nung frog namin ni Jowee ay MICK the Froggy. Hahahaha! Basta may something kasi dun. Kadiri talagaaaaaa yung eggs. Ayoko na, naaalala ko nanaman yung itsura nung eggs. Yuck. XD


Wala akong matype ngayon ah. Ibang klase toh. Sige next time na lang.

"Love moves in mysterious ways.. it's always so surprising when love appears over the horizon. I'll love you, for the rest of my days..." - :) :) :)


Currently feeling soooooo different.

Tuesday, March 08, 2005

Thailand Group = bliss

Thailand Group
-An unexplainable cluster that composed of very brilliant, unique, bright and gifted students from II-8 that has a great unity to each other.

Well, that was only a joke. But jokes are half meant right? Hahaha! Anyway, Thailand group is one of the reasons why I look forward of going to school everyday during this quarter. From the very moment that my name was called to be one of the members of this group, I felt so lucky and very happy! Being part of this group is such a blessing to me. Honestly, I can't imagine myself belonging to any of the other groups in our class. Maybe all of us were destined to be the members of the Thailand group.

I am really thankful because all of the experiences during our practices are truly unforgettable moments. The laugh trips we had, the after-practice-bonding that we usually enjoys, the food trips that I think makes us all gain weight because among the three groups in our class, we think we are the pinaka matakaw group. We eat like there's no tomorrow. Just kidding! But seriously, whole day practices are incomplete without eating a lot of food. I remember the isaw and Haw-Haw candy in Tissa's village, the mash potatoes and pancakes in Marel's house, the Nagaraya and delicious biscuits in Pauline's house and a lot of more. The disco we had in Pauline's house after practicing, the sayawan and guitar lessons, the trying-hard-but-funny-music-video of Carla and Pauline, the dance steps of Abe and Marlah, the takbuhan or should I say takutan at Tissa's village, and most of all the funny bloopers that makes our faces looks young because of our unstoppable laughter. But still, there are times when we get so stressed out because of tons of schoolwork. But we never let those times affect our bond to each other. I can't remember any fight that happened to our group, maybe there are small fights but those were never a problem to us. All the things, problems and little conflicts that we encounter were only a challenge for each one of us. I do not have any regrets because I know that everything happened on purpose so that we will be able to learn from our mistakes.

Thailand group touched my life even though it was only a short period of time. Each of them will always be a blessing to me. I will miss being with them and also working with them. I will miss the bond of our group and all the things that I have mentioned earlier.

Everything that we shared together will stay in my heart forever and it will always make me smile whatever happens.

Monday, March 07, 2005

Life is a roller coaster ride.

Whew, grabe tong araw na toh. Ang daming nangyari, parang nagulo buhay ko. Haha. Di naman, eksaheresasyon lang yun. Hehehe. Pero kasi ganito yun, umagang umaga eh na stress na agad kami. Dapat today yung play prod. namin at na cancel ito dahil nag absent yung isa namin ka group na walang pasabi pero naiintindihan namin siya pero syempre nataranta kami kasi hindi namin alam kung ano gagawin namin at paano namin idedeliver yung play. So yun, dapat matutuloy paren kami tapos magiiba iba yung characters kahit alam namin na mahirap kabisauhin ang maraming lines pero buti nalang namove kami ni Sir Jeff at bukas na ulit kami at Computer period. Hehehehe. Siguro meant na talaga na mangyari yun samin. Binigyan lang kami ni God ng time na makapag TDR pa ulit nung English time kaya mas ok. Kasi sobrang sabog talaga nung last TDR, parang hindi TDR. Hahahaha!

Pero nabago lahat ng plan ko for this day, dapat tutulong ako mag assist sa try outs namin pero di na ko nakaattend dahil nag practice kami ulit for play prod. Sana may try outs pa ulit para makapunta na ko. At medyo miss ko na ang team. Haaay, kaso lang alam kong may kulang na sa next training days namin.. ANG SENIORS. :( Ano ba toh, nagdradrama nanaman ako. Nakakamiss kasi eh. Exam pa nila ngayon kaya mas lalo akong na bobother na malapit na talga silang mawala. Haaay, ang bilis talaga ng oras.

"Ignorance is bliss." -Sir Pino


Currently listening to: Nice to know you - Incubus
Currently feeling restless.

Sunday, March 06, 2005

Let me go.

Wow, ang tagal ko palang di nakapagblog. Ang busy kasi sa school lately eh, badtrip. Anyway, I woke up early today kasi choir kami kanina sa mass. Grabe, kahiya, ang sabog sobra. Pano kasi, ang onti lang namin. Pero ayos lang, hehehe. Tawa nalang. :)

Yesterday, we had our last play prod. practice at Tissa's house. Yun na yung last kasi bukas na yung play prod. namin. Grabe, sana maging maayos. Pero, mamimiss ko talaga yung mga play prod. practices ng Thailand. Sobrang mahal ko na talaga yung grupo namin. Ang bonded na kasi at nagkakasundo lahat. Except sa isang tao naaa... Basta alam na ng iba yun. Hahaha! Pero, seryoso mamimiss ko talaga yung Thailand group. Tapos nung Friday pa ang saya saya namin sobra sa bahay nila Pols. Disco eh! Hahahahaha. Ang saya. Dahil sa kanila parang buo na yung loob ko na ok lang na magpa block section kami. Kasi dati parang half-hearted lang ako sa pagpapablock eh, ngayon parang gusto ko na talaga. Tsaka mas mahal ko na ata talaga nag 2-8 ngayon. Napaka bonded na except for very few people... hehe. Tawa nalang! XD

Anyway, I'm watching ASAP Fanatic right now. At guess what? I have a big crush with Rayver Cruz. Ewan ko ba, sobrang crush ko talaga siya. Siya ata yung FIRST LOCAL CELEBRITY na na crushan ko ng sobra dahil sa pagsasayaw. Never pa kasi ako nagkacrush ng ganito sa isang artista eh. At bakit sa dami ng artista siya pa? Hahaha. Hindi naman ako masyado naggwapuhan sakanya ng sobra. Sobrang gusto ko lang siya pag sumasayaw siya. Pag di siya sumasayaw parang wala lang. Pero pag sumasayaw naman parang parang.. di ko maexplain. Basta I adore his dancing skills sooooooo much. Ang galing niya. Pero ayoko siya pumorma kasi hiphop eh. Sana rakista nalang siya pumorma. Pero di bagay, kaya sige wag na. Basta crush ko lang talaga siya pag sumasayaw siya. Galing eh. Hahaha! XD

"..and you love me but you don't know who I am so let me go."
Na LSS ako ngayon sa Let Me Go ng 3 Doors Down. Ang ganda sobra!!!! XD

Haaay, tagal akong di nag blog pero wala akong masabi. Kasi sa buong week na toh, puro about lang sa school ang nangyari eh. Puro play prod. practice, group meetings, etc.. Siguro this week rin magiging ganun. Hell week kasi malapit na exam. Daya ng Ateneo, nagpapakasarap nalang ngayon.

Errrrr. Gusto ko na magsummer!!!!!!!


Currently listening to: Panaginip - P.O.T
Currently feeling lazy.