Wow, ang tagal ko palang di nakapagblog. Ang busy kasi sa school lately eh, badtrip. Anyway, I woke up early today kasi choir kami kanina sa mass. Grabe, kahiya, ang sabog sobra. Pano kasi, ang onti lang namin. Pero ayos lang, hehehe. Tawa nalang. :)
Yesterday, we had our last play prod. practice at Tissa's house. Yun na yung last kasi bukas na yung play prod. namin. Grabe, sana maging maayos. Pero, mamimiss ko talaga yung mga play prod. practices ng Thailand. Sobrang mahal ko na talaga yung grupo namin. Ang bonded na kasi at nagkakasundo lahat. Except sa isang tao naaa... Basta alam na ng iba yun. Hahaha! Pero, seryoso mamimiss ko talaga yung Thailand group. Tapos nung Friday pa ang saya saya namin sobra sa bahay nila Pols. Disco eh! Hahahahaha. Ang saya. Dahil sa kanila parang buo na yung loob ko na ok lang na magpa block section kami. Kasi dati parang half-hearted lang ako sa pagpapablock eh, ngayon parang gusto ko na talaga. Tsaka mas mahal ko na ata talaga nag 2-8 ngayon. Napaka bonded na except for very few people... hehe. Tawa nalang! XD
Anyway, I'm watching ASAP Fanatic right now. At guess what? I have a big crush with Rayver Cruz. Ewan ko ba, sobrang crush ko talaga siya. Siya ata yung FIRST LOCAL CELEBRITY na na crushan ko ng sobra dahil sa pagsasayaw. Never pa kasi ako nagkacrush ng ganito sa isang artista eh. At bakit sa dami ng artista siya pa? Hahaha. Hindi naman ako masyado naggwapuhan sakanya ng sobra. Sobrang gusto ko lang siya pag sumasayaw siya. Pag di siya sumasayaw parang wala lang. Pero pag sumasayaw naman parang parang.. di ko maexplain. Basta I adore his dancing skills sooooooo much. Ang galing niya. Pero ayoko siya pumorma kasi hiphop eh. Sana rakista nalang siya pumorma. Pero di bagay, kaya sige wag na. Basta crush ko lang talaga siya pag sumasayaw siya. Galing eh. Hahaha! XD
"..and you love me but you don't know who I am so let me go."
Na LSS ako ngayon sa Let Me Go ng 3 Doors Down. Ang ganda sobra!!!! XD
Haaay, tagal akong di nag blog pero wala akong masabi. Kasi sa buong week na toh, puro about lang sa school ang nangyari eh. Puro play prod. practice, group meetings, etc.. Siguro this week rin magiging ganun. Hell week kasi malapit na exam. Daya ng Ateneo, nagpapakasarap nalang ngayon.
Errrrr. Gusto ko na magsummer!!!!!!!
Currently listening to: Panaginip - P.O.T
Currently feeling lazy.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment