Just got home from school. Nakakapagod pero wala naman magagawa eh. Wala kaming training and no play prod. practice pero "bonding" lang kami. Hahahaha! Siguro dapat meron pero na depress ata kami sa TDR namin, whew! Obviously, di maganda kinalabasan. At hindi natuwa ang English at Social teachers namin sa pinakita namin sa kanila. Sabi pa nila sobrang taas daw ng expectations nila sa group namin tapos yun lang daw yung napakita namin. Well, mahirap eh, isang beses lang kami nakapag practice sa speech room at onti lang rin ang nagawa namin nun. Lalo na yung lights dun, napaka hirap ayusin. Nyetah! Anyway, buti TDR lang yun at kaya nga TDR eh para maayos yung mga sablay at mas maganda mapakita sa play production na talaga. Kaya yan Thailand! XD
Nag commute lang pala ko pauwi ngayon. Grabe! I'm so proud of myself! First time ko mag commute pauwi na galing sa school at si Tissa kasama. Thanks Tissa, tinuruan mo ko umuwi via jeep. Ang sarap ng feeling paguwi ko! Hahahaha! Sabi nga ni "kuya" Lr, alam daw niya yung feeling na yun, yung parang ang independent na namin. Hehehe. Totoo naman eh. Anyway, sumakay kami ng jeep ni Tissa sa tapat ng school tapos hanggang Manila Water yun tapos sakay ulit ng jeep hanggang Tandangsora, tapos last jeep ulit, ako hanggang Sandigan tapos si Tissa mas nauna bumaba sakin kasi mas malapit bahay niya sakin at di na niya kailangan mag tric. Kaya yun, sa pangatlong jeep iniwan niya ko at hindi naman matagal yun siguro wala pang 5 minutes na bumaba siya nakababa na rin ako. Hehehe. Tapos yun na, tric na ko magisa hanggang bahay. Yey! Success! Hahahahaha! Proud na proud ako sa sarili ko eh. Sorry na first time yun, yung jeep ang sinakyan tapos sa school galing. Kasi dati nung kasama ko sila Xenia at Lena 2 sakay lang galing sa galle at walang ka hassle hassle kasi isang bus lang tapos baba ako Sandigan at tric na. Hehehe. Kaya ako proud kasi madami dami yung baba sakay baba sakay namin. Hahahaha! Marunong na ko, yes! XD Salamat Tissa! Tapos eto pa pala nakakatawa kasi P13.00 dapat yung tric kaso kulang ako ng P2.00! Hahahaha! Tapos P100 na yung ibabayad ko pag di niya tinanggap. Eh wala siyang barya kaya tinanggap niya yung P11.00 nalang. Hahahaha! Ang bait ni manong! Pero parang napilitan lang siya. Hahahaha! Well, magaling ako eh. Hahahahahaha! XD
Kahapon, dapat may GAlS awarding sa LSGH diba? Di ako nakapunta kasi medyo tinamad na rin at ang dami ko gagawin. Pero useless, kasi umalis rin kami at pumuntang Valle 6 para sa isang 1st birthday ng isang bata. Hahaha. Wala naman kaming ginawa dun, pumasok, kumiss sa mga tito tita, umupo, tumayo, umupo, kumain, nanood ng mga batang nag paparlor games at magic show, tumayo, nagkiss ulit sa mga tito tita at umalis. Hahahahaha! Pero infairness, katuwa yung mga kids na naglalaro, at yung magic show. Ang galing. Namiss ko sumali sa mga parlor games. Hahahaha! Gusto ko ulit mag ganun. Hehehehehe! After namin dun, pumunta pa kami ng Greenhills, take note! Greenhills Shopping Center! At dinaanan namin LSGH. Mas lalo ko nabadtrip nun eh. Parang sana nasa awarding nalang ako at nakasama teammates ko. Grrrr. Kung hindi lang tapos na yung awarding nungtime na dumaan kami dun, nagpababa na siguro ako. Pero ok lang rin. Onti lang rin yung teammates ko na pumunta eh. 7 lang sila. Hehehe. Tapos kanina ko nakuha yung medal ko. Hehehe, hindi ako masyado nagandahan, pero ok lang. Pero promise, ang dami kong kasama na hindi rin nagandahan, pero ok na rin. Hahaha. Labo! Tapos kanina ko rin nakuha yung cd na hiniram ko kay Dq. Hindi ko pa nga napapakinggan lahat eh, mamaya ko tataposin. Pag tapos na lahat ng hw. Naks, good girl daw! Hahaha. XD
Tapos nung Sat, yung prom ng LSGH. Natuloy ako, at ok naman siya. Daming knollers na green and pink batch. Ang late ko na nakauwi. Hahaha! 3am na. Kaya late rin ako nagising at isa yun sa rason kung bakit rin ako tinamad sa GALS awarding. Pero ganun rin, di ako nakapagpahinga. Augh! Si Anna Tan grabe sa kakulitan pero sanay na ko, what's new diba? Hahaha. Tapos nadulas ako at napatid. Hahahaha, pero tumatawa nalang ako. La naman ako pakielam eh. Hahahaha! XD Ayun, masaya paren. Thanks Dq. XD
Anyway, medyo kailangan ko na tapusin yung mga hw ko. At pigilan na sarili ko sa kakadaldal dito dahil kung hindi la akong matatapos. Hell week kasi eh! Hahahaha! Tawa nalang! Daanin sa tawa. Haha! Sige paalam. XD
Currently listening to: Jeepney - Sponge Cola (Hahahaha! dahil sa jeep, corny!)
Currently feeling tired.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment