Tuesday, April 26, 2005
Beau.
The training yesterday was okay. Pinuntahan ulit kami ni Jojie. Pero sandali lang sobra. She came from Bora ata tapos may pasalubong siya saming key chain and friendship bracelet. Ang ganda nung nakuha kong bracelet!! Color green!!! Yey, nadagdagan nanaman yung collection ko. Hahaha. XD Asteeg nga eh, naalala parin niya kami, thanks Joj! XD Ang pretty pa ni Joj ngayon, college na college na ang dating. Pero di paren nagbabago, kikay paren at maingay paren. Hahaha. XD Tapos tan pala siya ngayon kasi nga galing bora. Bagay sakanya. Hahaha. Actually, nung surprise palang namin for seniors gusto na talaga niya maging tan, at yun nagpa tan nga. Hahaha. XD
Haay... sana may araw na makikitraining sila Joj, Viene, Osang and Pau samin ulit ng sabay sabay. Kelan kaya yun noh? Hehe.
Sunday, April 24, 2005
Tamad!
Teka, katamad mag blog ngayon eh. XD Hahaha. Next time.
Friday, April 22, 2005
Eat right.
I wanna jog later!!!! Kasi naman parang di ako napagod kanina. Kumain pa naman kami ng Kebab last night at Behrouz, Timog with my sister, Apple, Noemi, Taj, and Kuya Day who paid everything. Thanks Kuya Day! XD Grabe ang saraaaaaap! XD Lalo na yung brain and yung humus at yung mutable na rin. Hehehe. XD Tsaka yung liver, ang saraaaap! D'best. Naka 2 rounds kaming lahat. Kaya feeling ko, I really need to jog later kasi pakiramdam ko di na burn yung kinain ko. Hahaha. XD Tapos night swim ulit. Hahaha. XD Tapos di na ko kakain after para diet!! Hahahahaha. XD But seriously, I need to lose weight. I need to jump higher, I need to approach faster and I really need to improve my volleyball skills. Grabe, onti onti na kong nagiging desperado which is a good thing for me. XD Kaya kailangan talaga mag diet.. starting now. Hindi pala diet, eat right lang. Wag dapat matakaw at wag gluttony kasi kasalanan rin yun. Hahaha. I need to eat more good carbo and reduce eating bad sugar like chocolates and other sweets. Basta mga junk food rin bawal na dapat. Hahahahaha. XD Pero kung may mga gusto diyan pumayat tapos athlete kayo, mag liquid diet kayo. Yan ang sabi ng aming coach. Yun talaga, nakasanayan ko na. (Yes!) Drink a lot of water and stop drinking softdrinks or juice. Kasi alam niyo ba na ang isang baso ng regular ice tea, 150 calories na ata yun or mas madami pa. Aba, mahirap na yun iburn noh. Eh pag water, wala ni isang calorie at healthy pa. Hahahahaha! XD Umiinom lang ako ng iba pag no choice na talaga. Teka nga, ano ba toh, ano ba tong topic ko. Hahahaha. Kung ano ano na sinasabi ko. Hahaha. Basta mag jojog ako mamaya para maburn yung kinain ko kagabi at kanina. Hahahaha. XD Remind nyo ko, baka makalimutan ko. Hahaha. XD
Pero eto na talaga, seryosohan na toh. Eat right talaga. Kailangan ko gumaling. Hahahaha. XD At marami pa kong plano. Hahaha. XD Basta remind niyo ko lagi. Hahaha. XD
Thursday, April 21, 2005
Random Thoughts.
May blog na rin sa friendster pero ewan ko kung gagawa ako dun. Haha, katamad dude. Tsaka may multiply na ko eh. XD
I'm freakin hungry right now. XD
I crush Cham Tan of Hale. Hehehehehe.
Gusto ko magpahenna..now na. Haha.
Ang init!
I wanna run!!!!!!!!
Sabaw...ako.
Lol. XD
Monday, April 18, 2005
Badtrip.
Anyway, I hate my afternoon because of someone. Badtrip kasi siya eh. Pag siya humihingi ng favor madalas ang bilis ko naman pumapayag. Tapos pag ako na humihingi sakanya, wala na. Parang ang hirap hirap kausapin. Pahirapan pa bago mo ma convince. Kailanagan galit ka para ibigay. Inaamin ko minsan di ko na ginagawa yung favor niya kasi naaasar ako sakanya dahil parang lagi nalang utos ng utos. Mga simpleng bagay hindi magawa. Sana naman alalahanin niya yung mga ibang bagay sa paligid niya. Nakakabanas na eh. Parang kanina, ang simple simple ng hinihingi ko hindi pa mabigay. Kailangan ko pa maghintay hanggang 3:30 bago makagamit ng pc pero pag siya pinapaalis niya ko dito ang bilis bilis niya ko napapaalis. Bakit ganun? Hindi ko siya makuha sa isang salita. Kung kaya ko lang siya saktan physically gagawin ko eh. Kaso di ko naman kaya eh. Kasi kahit papano nirerespeto ko parin siya hanggang kaya ko. Kaya nga kanina wala nalang ako nagawa eh. I just locked myself inside my room tapos nagpatugtog ng malakas para hindi niya marinig yung iyak ko at mga pigil na sigaw ko dahil sa sobrang inis kanina. Bahala siya kung mabasa niya toh, basta sinasabi ko lang nararamdaman ko at bahala ka na rin kung matatamaan ka o hindi. Nakakainis talaga!! Sinira niya araw ko. Arghhhhhhhhhhhh!!!! Badtriiiiiiiiiiiiiiiip!! Ayokong magpaapekto pero di ko naman magawa. Ang sakit sa ulo eh! At take note, nung bumalik ako ng 4:00 gamit parin niya at ang dami dami ko pa sinabi bago siya umalis. Puta, nakakabwisiiiiiiiiiit! Ok lang naman sakin na gawin niya yun kung may reason siya bakit niya ginagawa, kaso wala nga siyang masumbat sa mga sinasabi ko eh. Buti ganun, dahil ewan ko nalang pag sinabi pa niya na ako yung huling gumamit dahil siya naman talaga. Shit toh, ayoko na nga.
Kailangan ko na kalimutan toh. At least may napagbuhusan ako. Whew! Ang laking tulong, gumaang talaga loob ko. Haaay..
Saturday, April 16, 2005
Self-denial
I wrote a poem a while ago... out of boredom. Well, not really, kasi sa totoo niyan nasulat ko yun dahil nung pinakinggan ko yung Same Ground kanina, ayaw maalis sa utak ko yung word na self-denial so I decided to write something nalang. Tapos eto na yung lumabas sa utak ko at nasulat ko:
Self-denial
Unaffected from what's happening
Disregarding what I'm feeling
Being numb is what I'm practicing
Helplessly unconscious that I'm pretending
I am furtively trapped now
And I can't escape, please teach me how
I need to run and run fast as I can
And find the way back to where I belong
Everything is now clear to me
And no one would understand my confusion
Self-denial is not so strange to me now
And still I can't admit that I'm writing this down.
That's it. Di nga ako kontento eh, parang nainis ako sa huli kasi may gusto pa ko idagdag pero ayaw na lumabas sa utak ko. Maybe i'll do something about it next time. Ipopost ko ulit pag nadagdagan ko na or kung ano man. XD
Friday, April 15, 2005
Fatigued.
Pagdating ko sa bahay, sobrang sumakit yung ulo ko. As in sobrang sakit talaga. Actually, nung nasa galle kami tapos nag foofoodtrip sila medyo masakit na pero nung nakauwi ako tumodo yung sakit. Parang wala ng bukas eh. Pero ayos lang, ngayon medyo wala na kaso nga lang dahil meydo wala na mas nafeel ko yung panghihina ng legs ko dahil sa training kanina. Or baka hindi lang dahil sa kanina baka dahil din dun sa ginawa namin nung Wednesday. Basta masakit at parang di ko na kaya maglakad papuntang kwarto para matulog dun. Hahaha. XD Buti pahinga bukas, este mamaya. I mean pahinga na walang training pero syempre lalabas paren. Hahaha. XD At siguro isa rin sa mga reason kung bakit ang sakit ngayon ng katawan ko eh yung pagsswimming ko nung Wednesday night with my barkada here in our village. Pero before nun, tumawag muna si Laine at nakausap namin siya, grabe miss na miss ko na talaga siya. XD Anyway, yung brother kasi ni Krina birthday kahapon tapos may swimming party siya. Ang sarap ng food!! Dun ako unang nakakain ng halo-halo for this summer. Want to sawa halo-halo ka ba? Hahaha. Oo seryoso! Ang saraaaap! Tsaka yung iba pang food ang sarap. Tapos inupakan rin namin yung fish crackers. Hahaha. XD Also known as "FESH" crackers. Hahahaha. XD Ang dami talaga naming nakain tapos swimming lang ng swimming. Tapos first time rin namin gamitin yung slide na pambata na bago sa pool. Hahahaha. Pero asteeg, nakakaaliw. Ang sarap mag slide! Hahahahaha! XD Anyway, Belated happy birthday Tomaaaa! And thanks so much Krinaaaaa! XD Mga 12:00am na ata ako nakauwi. Tapos di pa agad ako nakatulog. Kaya pag gising ko nung umaga for training, ang sabog sabog ko pa. Pero masaya paren, dahil maganda yung training kahit nakakapagod. Maggie kasi eh, nag one leg pa sa ladder eh. Yun ata yung pinaka nagpasakit sa legs natin ngayon eh. Hahaha. XD Tsaka yung racing naten? Hahahaha. XD Grabe, pagod na pagod na ko, yung katawan ko at ulo ko gustong gusto na magpahinga pero ako ayoko parin matulog. Hahaha. Kawawa naman tong katawan ko. Pero bukas siguro wala na yan oag gising ko. Hehehe, inassume. XD
Pics from Toma's birthday party last Wednesday night. XD
Naglalakad papuntang lav para magbihis. XD Hahaha. XD
L-R: Krina, Noemi, Me, Monique, Gina ang Meryl.
Umahon para kumain. Hahaha. XD
L-R: Krina, Rya, Monique, Me, Gina, Meryl and Noemi.
Same people but this time with Toma and Larry. XD
Awww, ala si Laine. :(
Wednesday, April 13, 2005
1 week blog. Lol. XD
So I really don't know where to start because it's been one week since I last updated my blog. Hehehe. Kakatamad eh. Haha. XD Anyway, just got home from summer training again and the training was okay. We jogged for 10 minutes then we did a lot of conditioning and back rolls and ladder exercises. Hahaha. XD Buti nga 10 minutes lang, dati kasi nag t-20 minutes kami eh. Siguro bukas ganun. Hahaha. XD Kapagod pero masaya. XD Myke and Natiya (Myke's little sister) trained with us again. Natiya was sooooo cute. Ang bata bata pa niya tapos lagi siyang sumasama kay Myke. Ang cutttttttttte! XD Hahaha. XD
April 12
No training kasi Tuesday. My mom and I went at Family Clinic for my clearance. Badtrip talagang clearance yan. Hassle! Siguro di ko makukuha yung card ko sa Friday dahil di pa ko cleared. Hahaha. XD Ayos lang. Di ako papabayaan ni God. Hehehe. XD
April 11
Summer training again. Pahirap na ng pahirap. Pero mas ok. XD Hehehe. XD
April 10
Sunday mass, then stayed al day at my Tita's house. I spent my time with my cousins and niece. Niece na parang pinsan ko lang. Hehehe. XD Joanna namiss kita sobraaaa! Nung Sunday ka nalang pumunta ulit ditto eh. Hehehe. Sumama ka naman lagi. Hahaha.
We watched basketball games at clubhouse with Monique. Tapos yun, uwi na ulit. Hehehe. XD Basta kung anu ano na ginawa namin. Lol. XD
April 9
My besty's birthday. Pag gising ko nung 2:00 pm ginawa ko agad yung surprise ko sakanya. Eto puntahan niyo nalang: www.bestysarah.blogspot.com. Stayed at home all day para diyan at di na ko nanood ng opening ng liga kasi nga ginawa ko yan tsaka medyo tinamad na rin ako manood. Hehehe. XD Pero kontento na ko kasi nasurprised naman si Sarah at na touched. Hahaha. XD Love you bestyyyy!
April 8
We had a surprise party for the SENIORS at Justine's place at Alabang. Hindi ko alam kung na surprise sila. Pero sana oo. Hahaha. XD We told them that it's an "ICA-MC" swimming party. It was really a swimming party though, but no ICANS. Hehehe. XD The rest of the team except for Cathy, Ivana and Sir Ed meet at Mcdo Katipunan around 9:00 am then we went at Justine's place to prepare. Dumating seniors kasama sila Ivana, Cathy and Coach Ed pero di namin sila sinalubong, nagtago kami sa 2 rooms tapos kinonchaba namin yung Mom ni Justine na dalhin sila dun sa gitna ng dalawang room na yun at paupuin muna para makapag skit kami. So they settled there for a while, then bigla kami lumabas. Una sila Ash (acting as Viene), Amanda (acting as Osang), Dea (acting as Jojie), and Justine's mom (acting as Pau, but Pau wasn't there) muna ang lumabas tapos nag aact na sila as Viene, Osang, Jojie and Pau. Tapos kami na galling naman sa isang room acting as "kami". Hahaha. XD Aion, medyo natawa sila na nagulat pero alam ko naman na masaya sila. XD Lalo na yung kay Osang, d'best talaga. Hahahaha. XD After that, we ate nachos at the garden. Then, nag karaoke for a while then Volley hunt na. XD Amanda made small volleyballs made from Styrofoam. Iba iba pa yung sizes nun, may maliit, sobrang liit, at napaka liit. Hahaha. XD Yung hanapan nun by partners. Syempre partner ko si Teki at nanalo kami!!! Kami pinakamaraming nahanap. Hahahaha. XD Tapos next yung mga seniors, next lang sila kasi nakarma si Viene at Osang dahil bago pa yung totoong hanapan, naghahanap na sila. Hahaha. Pasimple pa eh. Joke. Hahahahaha. XD Peace tayo Viene! XD Tapos after nun, nag amazing race kami. Hehehe. Nag divide kami sa 2 groups tapos panalo yung group namin. Hahaha. Kasi si Ash hindi alam na kailangan pa ibalik sa dati yung cups kaya naunahan siya bigla ni Cathy. Hahaha. XD Go Ash!! XD Hahaha. XD Tapos si Ivana at Jojie halos naghilamos na ng arina dahil yung kanila hahanapin yung 3 piso sa isang plate ng flour gamit lang yung mukha. Hahaha. XD Ang saya talaga! Tapos after nun nag dinner na kami then yung powerpoint presentation na surprise rin and yung pag kanta namin at yung certificates namin sa kanila. Hehehe. XD Si Osang, "Rockista Award". Si Viene, "Ms. Photogenic". Feel na feel niya yun. Hahaha. XD Si Jojie. "Poise Award". Hahah. XD Aion, dun na lahat nagsimula ang iyakan. Umiyak rin ako pero nung si Maggie at Viene lang yung nagsasalita. Kasi sobrang tumagos eh. Ewan pero parang nararamdaman ko yung nararamdaman nilang dalawa. Di ako nagsalita kasi wala talaga kong masabi dahil parang hindi talaga kaya sabihin ng bibig ko yung mga gusto ko sabihin. Pero sobrang naiyak ako nung si Viene yung nagsasalita. Kasi iyak rin siya ng iyak eh! Hehehe. Basta after nun kung anu ano na yung mga ginawa, yung iba nag swimming na yung iba nag puzzle at yung iba nag Monopoly, ay kaming dalawa lang pala ni Viene yun at si Ellice. Hahaha. XD Tapos dun kami sa room nila Ellice at Irene (stepsisters ni Jus). Tapos nung time na yun gusting gusto namin ni Viene na dun matulog. Hahaha. XD Parang ang sarap sarap talaga matulog dun eh, parang ang gaan gaan sa loob. Diba Viene? Hahaha. XD Tapos yun, after namin maglaro dun lang kami nag swimming ni Viene. Pero sinamahan parin kami ni Amanda, Osang, and Cathy. Nagswimming kami mga 11:30 na ng gabi. Ang lamig lamig sobra pero ok lang rin kasi masarap, tapos umahon kami mga past 12 or 12:30 na. Hahaha. XD Ang saaaaya! Tapos kumain pa kami ng kung anu ano. Pero di ko makakalimutan yung Ice Cream Sandwich na kinain namin. Sobraaaaaaang sarap talaga. As in. Lahat kami may iba ibang reaction sa pagkasarap. Hahaha. Pinaka asteeg yung kay Viene, mapapamura ka sa sarap. Hahaha. XD Nakakatawa parang nag aadvertise. Haha. Pero ang sarap kasi eh. Hahaha. XD Tapos yun, after nun nag cards kami sandali tapos nood ng tv tapos onti onti ng natulog. Buti nga nakatulog ako kahit papano eh. Hahaha. XD Pero maaga kami umalis nila Cathy and Ivana. As in mga 6am alis na kami kasi kailangan ni Ivana. Umalis kami tulog na tulog pa sila. Pero si Dea nakapag bbye pa samin. Hahaha. XD At si Jus nahatid pa kami sa main door nila. Hahaha. XD Tapos yun, tulog kaming tatlo sa car at pagdating ko sa bahay, tulog ulit ako. Hanggang mga 2:00 pm na yun. Hahaha. XD
Isang napakasayang party. Clean fun. Ang sayaaaaa talaga. XD
April 7
I just attended summer training then went home right after. When I got home, I just did the usual things that I do when I'm home. Of course I do checked my blog but I was too lazy to add an entry. Hahaha. XD But I think laziness is not the only reason why I didn't blog. That time I was also busy fixing my Multiply account and uploading some pictures there. You can always visit my account whenever you want. Hehe. It's on my links or you can simply click this arrow: ->. Hehehe. XD
Currently listening: Same Ground - Kitchie Nadal
Wednesday, April 06, 2005
Summer Training!!!!!!...na.
Si Jojie bumisita nung Monday pero sobrang bilis lang tsaka syempre iba paren pag nagttrain talaga sila kasama kami. Vieneeeee! Akala ko makikitrain ka daw? Sama mo rin si Osang!!! XD
Dapat wala pa ko ngayoon sa bahay kasi plano aalis Kinse eh. Pero ang labo eh. Biglang ang daming di makakapunta kaya di nalang tinuloy. Haaay, sayang. Oh well, there's always next time. Hahaha. XD
Napanood niyo na ba Million Dollar Baby? Astig yun noh. Ang ganda ng story. Dahil dun parang naiinspire ako mag train hard. Hahahahaha. XD Sana yung determination ko kapantay ng kanya. Lol. XD
Finally, ginanahan na rin ako gumawa ng Multiply. Hehehe. Pero wala pang laman kasi ang bagal mag upload eh. Badtrip.
Wala na kong matype. . . Sige, ciao! XD
Currently listening: Especially for you - MYMP
Saturday, April 02, 2005
Laine.
Laine is like the "mommy" of our barkada because she acts like a mother to all of us. She's always concerned about what's happening, she's always there to comfort us whenever we have problems, and she never fails to make us laugh everytime we're together. She's always game in everything. Laging present sa mga gimik at hindi ka talaga iiwan sa ere kahit anong mangyari. She does everything just to make us happy... and sacrifices a lot just to see us happy.
Hindi madali tanggapin na matagal pa bago ko ulit siya makikita. Sobrang naging close kami kaya ang hirap hirap hirap mag let go. I never expected that I would feel this way pag umalis siya. Akala ko dati malalabanan ko at hindi ako masyado maaapektuhan dahil nung andyan pa siya, na nakikita ko, wala akong lungkot na nararamdaman. Sobrang ang saya saya ko pa, at hindi talaga ko naiiyak kasi feeling ko magkikita kami soon kahit hindi naman. Kahit sa last na pagyakap niya saken di ako naiyak. At wala talaga akong pakiramdam na maiiyak ako dahil alam ko kung maiiyak ako o hindi. Pero di ko akalain na sa pagsakay niya ng kotse at pagsara ng pinto, at pag alis... iiyak rin pala ako. :( Hindi ko alam na bigla nalang pala bubuhos mga luha ko ng ganun ka bilis. :(
Sobrang hindi namin napigilan, kahit naka alis na siya, umiiyak lang kami nila Noemi, Gina, Rya at Meryl sa tapat ng bahay nila Laine kahit wala na sila. Isang oras ata kami na nasa tapat lang bago umuwi. Nagdadamayan lang. Pero, mas masakit ang kalagayan ni Laine dahil siya ang aalis at sinong dadamay sakanaya sa pagiyak? Dapat kami yun pero nahiwalay siya samien. Kaya naiintindihan ko na sa buong araw kaming magkasama halos umiiyak lang siya dahil ang dami niyang mamimiss at kaya rin siguro hindi na niya binuksan ang bintana ng kotse nung umalis na siya.
Bakit ba ganito? Ngayon lang nag sisink in sakin lahat. Wala na kong mattxt ng "Laine punta ko dyan!". Wala ng magmimisscall pag kailangan gumising para magjog ng maaga or nag basket or mag swim. Wala ng joyride na si Laine ang nagddrive. Wala na kaming aalalayan pag nalalasing siya dahils a inuman. Wala na yung taong bumuo ng barkada. Wala na yung tao na nagiging dahilan kung bakit nagsasama-sama. Wala na si Laine, malayo na siya. At malaking kawalan yun. Sobra. :(
Hindi ko maimagine ang sarili ko na dadaan sa harap ng bahay niya tapos hindi na ako magdodoorbell. Hindi ko maimagine na matagal na ulit bago kami makakapasok ulit sa bahay nila at tumambay lang dun buong araw hanggang madaling araw. Hindi ko maimagine ang simbang gabi na wala siya. Ang summer na wala siya. Ang Filhai Youth Choir na wala siya. Ang pagnood ng intervillage at liga na wala siya. Shoot ang hirap!!! Bakit ba kasi kailangan mangyari toh? Naalala ko pa yung sabi niya kanina na kung bakit daw ba nilalayo siya sa mga kaibigan niya, kung bakit kung kailan ang dami dami na niyang friends dun pa siya ilalayo, kaya tuloy nasabi niya na sana naging loner nalang siya buong buhay niya para di niya kailangan maranasan yung nararanasan niya ngayon na nalalayo sa amin. Bakit kanina nung sinabi niya yung wala akong reaction pero ngayon iniiyakan ko? Bakit ganito ka sakit? :(
Ahhhh Laine namimiss na kita ngayon palang. Wag mong papabayaan sarili mo dun. Lagi mo tatandaan na andito lang kami lagi para sayo. At walang kalimutan ha? Haay, alam mo naman na insomniac na ko tapos bingyan mo pa ko ng panibagong reason para hindi talaga makatulog tuwing gabi. Haaaay talaga.. Sana mabasa mo toh.
Tapos nung nakaalis na siya, habang nasa tapat kami ng bahay niya, bigla nagalarm yung phone ko. Nagulat ako kasi wala akong natatandaan na inalarm ko yun. Tapos nung pagtingin ko reminder pala, tapos ang nakalagay, "bye laine ;P". Obviously siya ang naglagay niyan. Haaay, tapos nung time na yung tnxt ko pa siya at eto yung last txt na nanggaling sakanya:
"wag nio na aq paiyakin..sakit sa mata e. il be back, dnt wori. Ingatan nio isa't isa. Try 2 be thre 4 each other. :) mamimis ko kayo..sbra!:) tnx dn sa lhat2!:)"
Ayan, yan ang huling txt niya. At wala akong balak burahin. Tignan mo nga naman, aalis na siya lahat lahat kami parin iniisip niya. Grabe hindi ko na talaga kaya. Ang hiraaaap. Pano na lang yung mga parating na mga araw ng summer ko. Tapos wala na siyaaaa.. hanggang ngayon na wala na siya na umalis na siya hindi ko parin maimagine. :(
Laineeeeeey wainey! Lainey shmainey! Mommy laine! Lalaine! I'll miss you soooooo much and I love you.
"It's all over now and you'll never be around."
-Gone by Urbandub
Currently listening to: Mssing you - Brandy
Friday, April 01, 2005
Dare ME to move.
Shoot, I'm a bit sad right now. Ewan ko kung bakit. Alam ko isang reason yung pag alis ni Laine at isang reason ren yung pagkamiss ko sa sa mga tao tao. Pero may isa pa. Bakit ganun? Hindi naman ako dapat malungkot dahil dun, pero nalulungkot ako. What the?!? Hindi ko na dapat talaga tinignan yun. Hindi na dapat ako nag friendster! Burahin ko na kaya account ko? Errr, wake up Cha!! It's more than a year na eh. Tama na, wala na yun. Haaay, siguro nagulat lang ako. And I'm just a little bit frustrated about myself kaya nalungkot ako. Pero I know na wala na talaga. Nalungkot ako hindi dahil sa isang reason pero dahil nagulat ako at dahil medyo frustrated ako sa sarili ko. Yun lang yun, wala ng iba. Sayang ang friendster pag binura. Communication ko ren yun sa ibang tao. Hahahaha. XD Just stop thinking about them, I should think about my life now and how I'm gonna live it. Kaya ko toh. XD
Tomorrow's gonna be a new day, new start and a new chapter of my life. Yeah! XD Rock on Cha! \m/ Hahahaha! XD
At least, someone's making me smile everyday. *evil laugh* Hahahaha. XD
Currently listening to: Gone - Urbandub