It's 3:57 am and I just got home from Laine's house. I don't know what to type here, how to start everything, or how to express what I feel. Ang alam ko lang, umalis na siya. :( At kailan ko kaya siya ulit makikita? :(
Laine is like the "mommy" of our barkada because she acts like a mother to all of us. She's always concerned about what's happening, she's always there to comfort us whenever we have problems, and she never fails to make us laugh everytime we're together. She's always game in everything. Laging present sa mga gimik at hindi ka talaga iiwan sa ere kahit anong mangyari. She does everything just to make us happy... and sacrifices a lot just to see us happy.
Hindi madali tanggapin na matagal pa bago ko ulit siya makikita. Sobrang naging close kami kaya ang hirap hirap hirap mag let go. I never expected that I would feel this way pag umalis siya. Akala ko dati malalabanan ko at hindi ako masyado maaapektuhan dahil nung andyan pa siya, na nakikita ko, wala akong lungkot na nararamdaman. Sobrang ang saya saya ko pa, at hindi talaga ko naiiyak kasi feeling ko magkikita kami soon kahit hindi naman. Kahit sa last na pagyakap niya saken di ako naiyak. At wala talaga akong pakiramdam na maiiyak ako dahil alam ko kung maiiyak ako o hindi. Pero di ko akalain na sa pagsakay niya ng kotse at pagsara ng pinto, at pag alis... iiyak rin pala ako. :( Hindi ko alam na bigla nalang pala bubuhos mga luha ko ng ganun ka bilis. :(
Sobrang hindi namin napigilan, kahit naka alis na siya, umiiyak lang kami nila Noemi, Gina, Rya at Meryl sa tapat ng bahay nila Laine kahit wala na sila. Isang oras ata kami na nasa tapat lang bago umuwi. Nagdadamayan lang. Pero, mas masakit ang kalagayan ni Laine dahil siya ang aalis at sinong dadamay sakanaya sa pagiyak? Dapat kami yun pero nahiwalay siya samien. Kaya naiintindihan ko na sa buong araw kaming magkasama halos umiiyak lang siya dahil ang dami niyang mamimiss at kaya rin siguro hindi na niya binuksan ang bintana ng kotse nung umalis na siya.
Bakit ba ganito? Ngayon lang nag sisink in sakin lahat. Wala na kong mattxt ng "Laine punta ko dyan!". Wala ng magmimisscall pag kailangan gumising para magjog ng maaga or nag basket or mag swim. Wala ng joyride na si Laine ang nagddrive. Wala na kaming aalalayan pag nalalasing siya dahils a inuman. Wala na yung taong bumuo ng barkada. Wala na yung tao na nagiging dahilan kung bakit nagsasama-sama. Wala na si Laine, malayo na siya. At malaking kawalan yun. Sobra. :(
Hindi ko maimagine ang sarili ko na dadaan sa harap ng bahay niya tapos hindi na ako magdodoorbell. Hindi ko maimagine na matagal na ulit bago kami makakapasok ulit sa bahay nila at tumambay lang dun buong araw hanggang madaling araw. Hindi ko maimagine ang simbang gabi na wala siya. Ang summer na wala siya. Ang Filhai Youth Choir na wala siya. Ang pagnood ng intervillage at liga na wala siya. Shoot ang hirap!!! Bakit ba kasi kailangan mangyari toh? Naalala ko pa yung sabi niya kanina na kung bakit daw ba nilalayo siya sa mga kaibigan niya, kung bakit kung kailan ang dami dami na niyang friends dun pa siya ilalayo, kaya tuloy nasabi niya na sana naging loner nalang siya buong buhay niya para di niya kailangan maranasan yung nararanasan niya ngayon na nalalayo sa amin. Bakit kanina nung sinabi niya yung wala akong reaction pero ngayon iniiyakan ko? Bakit ganito ka sakit? :(
Ahhhh Laine namimiss na kita ngayon palang. Wag mong papabayaan sarili mo dun. Lagi mo tatandaan na andito lang kami lagi para sayo. At walang kalimutan ha? Haay, alam mo naman na insomniac na ko tapos bingyan mo pa ko ng panibagong reason para hindi talaga makatulog tuwing gabi. Haaaay talaga.. Sana mabasa mo toh.
Tapos nung nakaalis na siya, habang nasa tapat kami ng bahay niya, bigla nagalarm yung phone ko. Nagulat ako kasi wala akong natatandaan na inalarm ko yun. Tapos nung pagtingin ko reminder pala, tapos ang nakalagay, "bye laine ;P". Obviously siya ang naglagay niyan. Haaay, tapos nung time na yung tnxt ko pa siya at eto yung last txt na nanggaling sakanya:
"wag nio na aq paiyakin..sakit sa mata e. il be back, dnt wori. Ingatan nio isa't isa. Try 2 be thre 4 each other. :) mamimis ko kayo..sbra!:) tnx dn sa lhat2!:)"
Ayan, yan ang huling txt niya. At wala akong balak burahin. Tignan mo nga naman, aalis na siya lahat lahat kami parin iniisip niya. Grabe hindi ko na talaga kaya. Ang hiraaaap. Pano na lang yung mga parating na mga araw ng summer ko. Tapos wala na siyaaaa.. hanggang ngayon na wala na siya na umalis na siya hindi ko parin maimagine. :(
Laineeeeeey wainey! Lainey shmainey! Mommy laine! Lalaine! I'll miss you soooooo much and I love you.
"It's all over now and you'll never be around."
-Gone by Urbandub
Currently listening to: Mssing you - Brandy
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment