Dahan dahang nagiiba
Palayo ng palayo ang nararating
Nais ko sana'y bumalik
Ngunit ako'y nahihirapan nang umalis
-
Tama ba ang aking pinasukan?
O ako'y nagkamali nanaman?
Ako ba'y pababalikin ulit?
Sa lugar kung saan ako'y magsisimulang muli
-
Naliligaw na nga ba ako?
Sa isang lugar na `di sinasadyang dinala ako
Nararapat ba ako rito?
O sinasayang ko lang ang oras ko dito?
-
Kailangan na bang umalis ng maaga?
Kailangan na bang putulin ang paglalakad?
Kailangan ko na nga bang bumalik?
At umalis dito sa lugar na walang katiyakan.
-
- 9:15 pm -
Ginawa ko ulit kanina nung pag uwi ko. Na inspire ako?! Nyahahaha. Anyway, may deeper meaning kasi yang ginawa ko na yan. Siguro yung iba magegets nyo yan. Haha. Basta yun. Grabe, hindi nanaman ako nagtraining ngayon dahil sa speech fest practice ng class namin. Napagalitan ba naman kami ni Ms. Mac nung umaga eh. At na sermonan nung Bio period kaya medyo nakakaguilty rin. Pero nung una, honestly nainis talaga ako kasi hindi naman nila alam kung gano kahirap ang hindi umattend ng training NAMIN kasi hindi madali yun para sabihin kay sir. Ngayon pa na ginawa na niyang mahigpit yung attendance. Sobrang inisip talaga namin ni Amanda kung ano dapat gawin namin. Pero dahil rin dun sa sermon ni Ms. Mac naisip namin kung ano talaga dapat ang puntahan. So, inuna muna namin yung speech fest practice kasi medyo nakakaguilty nga yung sinabi ni Ms. Mac. At bukas na yun. So, nagpractice kami hanggang matapos. Hanggang 6:10 nandun parin kami. Actually kaming dalawa pa yng nagsara ng lights and everything sa classroom. Tapos after pa nun, nung pagbaba namin at papuntang sportscom ang tagal naming naka stop ni Amanda sa stairs paakyat ng sports com dahil di kami maka decide kung pupuntahan ba namin si sir or hindi. Mga 10 minutes ata kaming nagtatago? Hahaha! Pero buti tama yung ginawa namin na nagpakita kami. :) As in tama talaga. Hehehehe. Tungkol naman sa practice nung speech fest, natapos naman namin pero medyo may mga mali parin. Pero sana magawa namin bukas. Sana magawa namin yung best at magawa namin ng maayos. :)
Good luck to all green batch. Good luck 2-8. ;)
Currently listening to: Una - Sponge Cola
Currently feeling blank.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment