Whew! Speech fest namin kanina at isa lang masasabi ko: masaya ako, masaya kami. Hindi na ko umaasang manalo or magplace sa batch namin. Enough na sakin yung nagawa namin gandahan yung performance namin kanina kahit na ang daming nangyari sa classroom na hindi maganda during practice days and hours. At least, kahit medyo too late na yung pag cooperate ng buong class nagawa pa rin namin na gandahan yung performance namin kanina. Siguro kung mag pplace kami sa batch masaya na ko nun. Ewan ko ba. Pero syempre may part parin sakin na gusto ko rin manalo kami at irepresent ang batch namin. Pero ewan, ayoko mag expect ng kahit na ano. Basta ganito lang yan, kung hindi kami nanalo ayos lang, madaling tanggapin at sigurado akong masaya parin kami kahit na ganun. Pag nanalo kami, bonus na siguro samin ni God yun? At syempre, mas ok yun dahil mas masaya yun for sure. Hehehe. Well, hintayin nalang natin ang Tuesday. Badtrip kasi at di pa umabot kanina eh. Ang tagal kasi natapos ng Green batch. Masyadong pinapa suspense naman yung sa batch namin. Hahahahaha! Tapos kanina, ang sarap ng feeling after namin mag perform. Naging masaya talaga kaming lahat at mas nafeel ko yung bond ng class. Nakita ko na sobrang bonded na ng class namin lalo na nung after mangyari yung sermon samin kahapon ni Ms. Mac. Pero kanina talaga iba, siguro lahat inisip yung mga hirap, gulo, at mga nangyaring inisan sa classroom dahil sa speech fest tapos biglang tapos na at naging maganada yung kinalabasan ng ginawa namin. Sabi nga ni Jowee "Grabe. Worth it sobra.". Totoo yun. Sobra talaga. :)
Anyway, enough with the speech fest thing. Haha. Half day pala kami nagyon dahil ata sa SOMA. Kaya isang reason ren yun kaya hindi namin nalaman yung winners sa batch namin dahil half day eh. Haha. Tapos sa Monday wala kaming pasok dhail President's day. Ang saya. :) Pero kahit na walang pasok, daming mga practices na kailangan attendan. Sa mga araw na walang pasok meron kami laging English play practice. Buti nga tapos na yung speech fest kasi sigurado kung di pa, may practice rin dun. Tapos training rin. Feeling ko may training kami sa Monday eh. Wala lang. Pero kanina ang saya, wala si sir nung training. Si Myke yung nagbantay samin kaya ang saya. Hahahahaha! Teammates, alam niyo na yun. Hahaha! Tapos ang cute cute nung puppy ni Myke. Gusto ko ng ganun. Sobrang nanggigil ako nung nakita ko siya. Kahit ngayon pag iniimagine ko nanggigil parin akooooooooo! Hahahaha!
Medyo maaga ako nakauwi ngayon dahil hanggang 5 lang yung training kaya yun. Pag uwi ko, kumain ako at habang nanonood nakatulog ako. Ganun ba ko kapagod? Para makatulog? Hahaha. Basta tapos sumama pa ko sa Dad ko ihatid ate ko sa Tierra Pura para lang matulog sa car. Hahaha! Eh nag stop over pakami sa bahay ng tito ko at hindi na ko bumaba eh. Andun lang ata ako for 2 hours? or 3? Basta nasa loob lang ako ng car natutulog. Ewan ko ba pero ayoko talaga bumaba nun. Pinuntahan na ko ng pinsan ko at ng isa ko pang pinsan at ginigising nila ko. Pero di ko sila pinansin kasi ayoko talaga bumaba. Gusto ko lang nun, matulog matulog at matulog. Kaya pag uwi namin hindi na ko makatulog. Hahahaha! Kaya eto, nag blog nalang ako.
Haay, marami rin palang nangyari ngayon araw na toh. Umaga palang may iba nang nangyari. Diba Viene? Hahahaha.
Bukas nalang ulit. May practice pala kami bukas sa English play. ;P Bye.
Love you 2-8!
Love you teammates!
Currently listening to: Boulevard of Broken Dreams - Green day
Currently feeling awake (hahaha! malamang.).
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment