Monday, February 28, 2005

HANDAMING GAGAWIN!!!!!

Just got home from school. Nakakapagod pero wala naman magagawa eh. Wala kaming training and no play prod. practice pero "bonding" lang kami. Hahahaha! Siguro dapat meron pero na depress ata kami sa TDR namin, whew! Obviously, di maganda kinalabasan. At hindi natuwa ang English at Social teachers namin sa pinakita namin sa kanila. Sabi pa nila sobrang taas daw ng expectations nila sa group namin tapos yun lang daw yung napakita namin. Well, mahirap eh, isang beses lang kami nakapag practice sa speech room at onti lang rin ang nagawa namin nun. Lalo na yung lights dun, napaka hirap ayusin. Nyetah! Anyway, buti TDR lang yun at kaya nga TDR eh para maayos yung mga sablay at mas maganda mapakita sa play production na talaga. Kaya yan Thailand! XD

Nag commute lang pala ko pauwi ngayon. Grabe! I'm so proud of myself! First time ko mag commute pauwi na galing sa school at si Tissa kasama. Thanks Tissa, tinuruan mo ko umuwi via jeep. Ang sarap ng feeling paguwi ko! Hahahaha! Sabi nga ni "kuya" Lr, alam daw niya yung feeling na yun, yung parang ang independent na namin. Hehehe. Totoo naman eh. Anyway, sumakay kami ng jeep ni Tissa sa tapat ng school tapos hanggang Manila Water yun tapos sakay ulit ng jeep hanggang Tandangsora, tapos last jeep ulit, ako hanggang Sandigan tapos si Tissa mas nauna bumaba sakin kasi mas malapit bahay niya sakin at di na niya kailangan mag tric. Kaya yun, sa pangatlong jeep iniwan niya ko at hindi naman matagal yun siguro wala pang 5 minutes na bumaba siya nakababa na rin ako. Hehehe. Tapos yun na, tric na ko magisa hanggang bahay. Yey! Success! Hahahahaha! Proud na proud ako sa sarili ko eh. Sorry na first time yun, yung jeep ang sinakyan tapos sa school galing. Kasi dati nung kasama ko sila Xenia at Lena 2 sakay lang galing sa galle at walang ka hassle hassle kasi isang bus lang tapos baba ako Sandigan at tric na. Hehehe. Kaya ako proud kasi madami dami yung baba sakay baba sakay namin. Hahahaha! Marunong na ko, yes! XD Salamat Tissa! Tapos eto pa pala nakakatawa kasi P13.00 dapat yung tric kaso kulang ako ng P2.00! Hahahaha! Tapos P100 na yung ibabayad ko pag di niya tinanggap. Eh wala siyang barya kaya tinanggap niya yung P11.00 nalang. Hahahaha! Ang bait ni manong! Pero parang napilitan lang siya. Hahahaha! Well, magaling ako eh. Hahahahahaha! XD

Kahapon, dapat may GAlS awarding sa LSGH diba? Di ako nakapunta kasi medyo tinamad na rin at ang dami ko gagawin. Pero useless, kasi umalis rin kami at pumuntang Valle 6 para sa isang 1st birthday ng isang bata. Hahaha. Wala naman kaming ginawa dun, pumasok, kumiss sa mga tito tita, umupo, tumayo, umupo, kumain, nanood ng mga batang nag paparlor games at magic show, tumayo, nagkiss ulit sa mga tito tita at umalis. Hahahahaha! Pero infairness, katuwa yung mga kids na naglalaro, at yung magic show. Ang galing. Namiss ko sumali sa mga parlor games. Hahahaha! Gusto ko ulit mag ganun. Hehehehehe! After namin dun, pumunta pa kami ng Greenhills, take note! Greenhills Shopping Center! At dinaanan namin LSGH. Mas lalo ko nabadtrip nun eh. Parang sana nasa awarding nalang ako at nakasama teammates ko. Grrrr. Kung hindi lang tapos na yung awarding nungtime na dumaan kami dun, nagpababa na siguro ako. Pero ok lang rin. Onti lang rin yung teammates ko na pumunta eh. 7 lang sila. Hehehe. Tapos kanina ko nakuha yung medal ko. Hehehe, hindi ako masyado nagandahan, pero ok lang. Pero promise, ang dami kong kasama na hindi rin nagandahan, pero ok na rin. Hahaha. Labo! Tapos kanina ko rin nakuha yung cd na hiniram ko kay Dq. Hindi ko pa nga napapakinggan lahat eh, mamaya ko tataposin. Pag tapos na lahat ng hw. Naks, good girl daw! Hahaha. XD

Tapos nung Sat, yung prom ng LSGH. Natuloy ako, at ok naman siya. Daming knollers na green and pink batch. Ang late ko na nakauwi. Hahaha! 3am na. Kaya late rin ako nagising at isa yun sa rason kung bakit rin ako tinamad sa GALS awarding. Pero ganun rin, di ako nakapagpahinga. Augh! Si Anna Tan grabe sa kakulitan pero sanay na ko, what's new diba? Hahaha. Tapos nadulas ako at napatid. Hahahaha, pero tumatawa nalang ako. La naman ako pakielam eh. Hahahaha! XD Ayun, masaya paren. Thanks Dq. XD

Anyway, medyo kailangan ko na tapusin yung mga hw ko. At pigilan na sarili ko sa kakadaldal dito dahil kung hindi la akong matatapos. Hell week kasi eh! Hahahaha! Tawa nalang! Daanin sa tawa. Haha! Sige paalam. XD



Currently listening to: Jeepney - Sponge Cola (Hahahaha! dahil sa jeep, corny!)
Currently feeling tired.

Friday, February 25, 2005

Play Production

Just got home from our play prod. practice at Marel's house. Karren, Tissa and I left the place early kasi nakisabay lang kami ni Tissa kay Karren at maaga dumating yung parents niya. Thank you Karren! :P Anyway, it was a productive practice for me because we were able to finish the whole play. But we still need to polish it and fix some blocking.

Tapos kaninang umaga pala pagdating ko sa Mcdo nakita ko si Viene. At nagpasama ba naman sa Starbucks. Tapos nilibre niya ko. Hehehehe! Bigtime eh! Manlilibre sa Starbucks pa! Aba aba! Madami kang pera Viene ha! Hahahaha! Salamat Viene!!! XD

Tomorrow's gonna be a busy day. No, I mean.. hassle too. Punta pa kasi kami ni Pauls sa play prod. practice hanggang 12 then sabay na kami pupunta sa Red Salon. Whew! Ang hassle pala ng prom. Hehehehe. :P But it's ok. At least next year sa prom ko na talaga, alam ko na mga gagawin. Hehehe. Well, honestly I'm a little bit nervous and excited at the same time and I don't know why. Hehehe. Anyway, I need to go already. Dinner. XD


Currently listening to: Only one - Yellowcard
Currently feeling confused.

Thursday, February 24, 2005

Life attracts life.

Got home early because we have no training or play prod. practice today. Ngayon nalang ata ulit ako nakauwi ng may araw pa. Hahaha! But tomorrow will be a very busy day. No classes but we have a WHOLE DAY play prod. practice. As in 8:00 am to 9:00 pm, I think? What can I say? We really, really, REALLY need to practice because our TDR will be on Monday already. At kasabay pa ng Bio long test. Whew, hell week again! Sana lang wala na munang training. But I have this feeling na meron kasi baka magkaron kami ng practice game with.. with I don't know. Basta sa Ateneo yun. Well, tignan nalang natin. Hehehehe.

Di ko pala nakasama si Xinxin today. Siguro nagkita lang kami mga 10 seconds. Hehehe. Kunwari nalang kanina lang tong pic. na toh. Hahaha!


Xenia and I at Shakeys. Last Last quarter pa ata toh. Hahaha! XD

Anu-ano bang mga gagawin simula bukas? Shux, ang gulo gulo ng buhay ko. Hindi organize yung mga gagawin ko. Hahaha! Siguro nga yung test sa guidance tama, ang baba ko kasi dun sa organize blah blah.. haha. Tapos ang taas ko dun sa.. uhm ano nga yun? Basta sabi pwede raw ako maging guidance counselor. Hahaha! Wala naman ata akong balak maging ganun? Hahaha! Anyway, ayusin ko na nga "buhay" ko! Hahaha! Lagay ko nalang dito sa blog ko para maisip ko rin yung mga dapat kong gawin at ma remind ako. Kailangan ko na magbago! Hahaha. Ngayon lang kung kailan 2 weeks nalang kami papasok. Hahaha. Pero tama yun. Eto may nabasa ko dati, matagal na pero naalala ko lang bigla.

"The secret is here in the present. If you pay attention to the present, you can improve upon it. And, if you improve on the present, what comes later will also be better."
-The Alchemist by Paulo Coelho

Right? Yeah, it is absolutely true. Pag may gusto tayong baguhin, for example sa kalagitnaan ng 2nd quarter ang baba ng grades natin, tapos disappointed ka na syempre gusto natin tumaas grades natin, tapos sasabihin natin "Sa 3rd qurter talaga gagalingan ko na!". Hello? Di niyo ba napapansin, hindi siya natutupad pag sinabi nating sa 3rd quarter pa. Ilang beses na nagyari sakin yan eh. Hahahaha! Kailangan talaga pag sinabi mo na "Magbabago na ko!" dapat simulan mo na agad right after mo sabihin yung sentence na yun. Walang mangyayari pag sinabi mong "Bukas talaga magbabago na ko!" kasi minsan di natin napapansin, nakakailang "bukas" na tayo. Hahahaha! Di natin napapansin na 1 month na pala natin sinasabi yung "Bukas talaga!" o "Bukas na talaga!". Hahaha.

But you know what's funny? Alam ko na nga tama yang mga bagay na yan, alam ko na tama talaga siya base from my experiences pero an gulo gulo ko paring tao. Hahahaha!

Ayoko na nga, kung anu-ano na nasasabi ko dati na hindi dapat sinasabi eh. Hahaha!



Currently listening to: Shiver - Maroon 5
Currently feeling dehydrated.

Tuesday, February 22, 2005

So many things.

No training today, sa wakas. Hehe. Joke. But seriously, parang ang saya saya ng biglang walang training. Sana bukas yung training club time lang para makapag play prod. na ko lagi. Nahihiya na ko sa group ko eh. Buti naka attend ako kanina. :P

I really don't know what to type here. I'm just typing whatever comes out of my head, of my stressed body. Ang daming mga bagay na iniisip at kailangan isipin. Augh. Mawawala rin toh. Diba mawawala rin toh? Maybe i'll end this na. Baka ano pang masabi ko. Promise, magpopost ako next time ng mas magandang entry but not now. -_-



Currently listening to: Love song - 311
Currently feeling very exhausted.

Monday, February 21, 2005

No classes again.

Wala kaming pasok kasi required yung attendance nung Family Day nung Sat. But we had a game so we were excused. Haha! XD I'm feeling so lazy today. Actually, I just woke up and had my lunch. Then here I am, ignoring my homework in Biology. Hehehe. But i'll do it later, PROMISE! Hehehe.

Our game against Diliman Preparatory School or DPS yesterday was a good game for us. We won because we played well so we got the 3rd place. And another thing is, we also enjoyed playing the game which is really important. Tapos yung game pa kahapon yun na yung last game ng seniors namin kaya medyo nagdradrama si Jojie. Hahahahaha! Tapos si Osang ang galing galing rin kahapon. Sayang lang kasi si Viene wala. :( Anyway, after our game we watched the game between Hope and ICA. It was the championship game and Hope won. Honestly, gusto ko sana ICA pero wala naman akong magagawa, Hope really played well. Ang galing nila, sobrang gumaling sila compared sa GVIT. Kaya ok lang rin sakin na sila yung nag champion kasi deserving rin naman sila. Tapos after nun, we had our lunch sa KFC sa EDSA. Nakakamiss rin pala sa KFC, or siguro nasanay lang kami kasi lagi nalang Mcdo kaya namiss namin. Hehehe. :P
We stayed there for so long. Not because of eating but because of chatting. Haha! Lalo na si Jojie ang daldal. :P Tapos nilibre pa kami ni Joj ng brownies. Sarap! :P Thanks Joj!

Ang saya ng araw kahapon. Everything was fine. Tapos nasabi ko na rin sa parents ko yung about sa LSGH prom sa Sat. Kahit hindi naman masyado big deal sakin kasi alam ko na ok lang sa kanila. Pero yung mga tao kasi nagugulat pag nalalaman nila na hindi ko pa nasasabi tapos less than one week nalang. Hehe. Baka daw di pumayag. Pero, ok lang naman eh. Sabi sa inyo eh. Hehehe. :P

Haaay, sarap ng walang pasok. Stress-free day! Hahahahahahaha. Bio hw lang. >_<
Still on my mind:
"It has always been an honor seeing you guys play. People watch you with awe and they all see you as beautiful individuals." - Coach Tin



Currently listening to: Breathing - Yellowcard
Currently feeling awake.

Saturday, February 19, 2005

Untitled

Game namin kanina sa GALS kalaban ICA, nanaman. At, talo ulit. Haay, bakit kaya ganun? Ano bang nagyayari samin? Sobrang namimiss ko na yung mga games namin during WNCAA. Yung parang lahat kami ganado at may teamwork talaga. Hindi ko alam kung anong dahilan bakit nangyayari toh. Kasi kahit ako, inaamin ko yung pinakita kong laro kanina hindi yun yung best ko eh. Alam kong may mas kaya pa ko dun. Pero bakit di ko mapakita? Bakit kahit sobrang excited ako maglaro at kahit gustong gustong gusto ko talagang bawian sila hindi ko parin malabas yung BEST ko? Bakit ba ganito? Training pa lang nung Thursday gustong gusto ko na talaga mag game. Gusto ko na bumawi sa ICA. Gusto na namin bawian sila. Pero di namin nagawa. Nagsisisi ako sa mga errors na nagawa ko. Sayang, sayang talaga.

But still, congrats sa ICA. Deserving naman silang manalo eh. :P

Tama nga siguro yung mga sinabi ni Coach Tin. Mga sinabi niyang nagpalakas nanaman ng loob ko, namin. Thanks Coach Tin!

Bukas may game ulit kami kalaban DPS pero battle for 3rd nalang. Samin na tong game na toh. :P

"It has always been an honor seeing you guys play. People watch you with awe and they all see you as beautiful individuals." - Coach Tin


Currently listening to: Let me go - 3 doors down
Currently feeling confused but happy.

Wednesday, February 16, 2005

Happy Birthday Chi!!

Kakauwi ko lang galing sa surprise party kay Mic. Grabe, ang saya saya talaga pag kasama ko sila. Ibang iba talaga. Parang ang gaan gaan ng loob ko. Sobrang namiss ko sila at lahit ngayon namimiss ko na agad yung magkakasama kami nila Mic, Keavy Sarah at ako. Nakakamiss. :( Parang wala na kong ibang masabi kung hindi yun. Hehehe. Sana magsama sama ulit soon. Sa tingin ko tama lang yung decision ko na pumunta sa surprise kay Mic. Kahit na may play prod. practice kami, yun parin pinili ko. At feeling ko tama naman. Buti nalang walang training. Yun nga lan di ako nakaattend ng practice sa play pero sana ok lang. Naguiguilty rin ako syempre pero babawi nalang ako. Alam kong importante yung play na yun dahil exam yun pero importante rin si Chi. Importante yung pinuntahan ko kasi kung di siguro ako pumunta baka buong practice nagiisip lang ako at matutulala dahil di ako pumunta so hindi rin ako makakatulong. Ayoko naman ng ganun. Anyway, sorry groupmates. Babawi ako. Kahit anong ipagawa niyo sakin gagawin ko wag lang yung hindi niyo ko papagtrain or papaattend ng games. ;P Hehe.

Thank you Keavy!
Thank you Sarah!
Thank you Chi and Happy Birthday!!!

Mahal ko kayo sobra! ;)


Currently listening to: Disappear - Hoobastank
Currently feeling very happyyyyyyy!

Sunday, February 13, 2005

Una

I watched Dance Avenue last night with Maggie and Gelo. Late na kami dumating kasi late na kami umalis sa LSGH. Fair kasi ng LSGH and may beach volley rin kami dun kaya yun. Libre yung pagpasok namin. Haha! Actually, madaya kami kasi dapat yung mga maglalaro lang talaga ng beach volley yung libre at yung mga hindi naman maglalaro dapat may bayad. Kaso nakapasok kami eh. Hehehe!

It was a nice Saturday for me. Kahit na runner up lang sa beach volley, masaya parin. At nakakatawa kasi kahit na si Osang, Viene, Joj, Ash and Ave lang ang talagang naglaro, lahat kami umitim. Hahaha! Lalo na si Abee. Hehehehe! Badtrip nga eh, ngayon ko lang napansin na nag nark yung wrist watch ko. Haha! Para tuloy akong nakawatch kahit wala. Haha! Pero di naman masyado halata. The fair was ok. Twice akong hinuli pero pinakawalan rin. Haha. Labo! Pero totoo, ang bilis nila maniwala sa mga reasons namin. Hahaha! Kahit si Dq naloko ko na bawal ako hulihin. Hahahahahaha! Tapos yung isang nanghuli, hindi ko maintindihan kung saan niya ko hinuhuli. Basta ang alam ko naloko rin namin siya nila Viene. Hahaha! Si Viene may nalalaman pang "team manager" daw ako. Hahahahaha! Kaya masaya talaga kahapon kasi nakita ko mga Kinse friends. Nakakamiss sila sobra. Sayang hindi ako nkapanood ng Overdose kasi kasabay ng Dance Avenue eh. Pero gusto ko talaga pumunta sa Overdose kahapon pero syempre kailangan support para kay Xenia and Elaine. Kaya mas pinuntahan talaga namin yun. Maaga siya natapos, mga 9 tapos na yung Dance Ave. Hehehe. Nakakapagtaka lang kasi ang tahimik ng crowd. Parang hindi Hardcourt at Sayawatha yung nag coconcert eh. Hehe.

Viene, tulog ako sainyo ha? Kelan? Hehehe.


Una
Sponge Cola


muli namang umihip sa akin
ang hangin ng pag-iisa
liwanag kang dagling sumilaw sa`king
mga mata

linilingon
sinusundan
dumadalas ang minsan
ika'y nariyan
abot tanaw
kahit walang dahilan

maiiwasan ba
ang bawat sandaling ika'y laman ng isip ko
(maiiwasan bang)
ngayo'y lilipas nang hindi kita nasisilayan
magkamali sayo
nararapat bang pigilan ang damdamin na
(maiiwasan bang)
lalung mahulog sa iyo

walang maitutulad sa sumpang iyong linikha
putulin man ang tali ay sadyang walang kawala
sa pagaakit
at 'di paglapit
nananalangin
at umaasa

Lalung mahulog sa iyo
hindi madadala
hinding hindi madadala
hindi madadala..


I love this song for a certain reason. Hahaha. :P And onga pala, kakakita ko lang ng video ng KLSP sa myx. Hehe. It was.. ok. Na realized ko na hindi telegenic si Yael. Haha! Pero in person, naku! Ewan ko na lang. Haha! Si Armo naman, ayos lang. Pareho lang, ata? Ewan, sa lahat kasi siya yung lagi kong nakikita dahil ka village eh. Hahaha!

"They say everything will be alright in the end, if it's not alright, then it's not the end."
-Got this from Nana's blog. Nagandahan ako kaya eto, ni repost ko. :P



Currently listening to: Way Away - Yellowcard
Currently feeling contented.

Friday, February 11, 2005

Blue Crush

Just got home from... ano.. sa saan nga ba? hahaha! Hindi, ang dami kasi eh. Iba iba yung pinuntahan ko ngayong araw na toh. Basta ayoko lang kasi talaga umuwi dito sa bahay. Haha. Feeling ko sayang oras ka pag nasa bahay. Hindi lagi ha? Ngayong araw lang na toh, kasi alam ko na wala naman ako magagawa kung umuwi agad ako kanina. Sayang yung araw na walang pasok. Hehe. Teachers' day kasi ngayon kaya wala kaming pasok. Pero nag training kami syempre, 8am to 12pm yung training tapos after nun pumunta kaming Mcdo, kasi team lunch. Pero di lahat, tsaka hindi rin kami kumain nila Viene at Osang kasi pagdating dun medyo umalis kaagad kami at pumunta na sa bahay ni Viene at dun kami nag stay ng matagal kasi. Pahirapan pa yun kung pano sasabihin kay sir. Hahaha! :) Pinakain kami ni Viene ng cornbeef pero hindi siya yung nagluto ha? Haha! Tapos si Osang ang daming nakain na banana. Hahaha! Pagdating na pagdating palang sa bahay nila Viene inupakan agad yung saging eh. Hahaha! Tapos nanood kami ng Mean Girls. Hahaha! Kahit napanood na naming tatlo. Ewan ko nga kung bakit yun eh. Bakit nga ba yun pinanood natin Viene? Hehe. Ah alam ko na, dahil pala kay Jonathan. Haha! Parang ka close ko eh noh? Gwapo kasi eh!!!! Tapos, nakiligo na rin kami ni Osang dun. Tapos after namin lahat matapos nagpunta na agad kami ng RP Metroeast kasi hindi namin napansin na 5 na hindi parin kami umaalis dun. Hahaha! Tapos yun, nung nasa Metroeast na kami syempre naghanap na agad ng shades nila. Kaya nga kami pumunta dun para sa shades eh. Hahaha. Gagamitin kasi nila bukas for beach volleyball. Buti nalang pala di ako kasali. Hahaha! Go seniors! And Cathy and Ash! Hahaha. Anyway, after makabili ng shades, naghanap naman ng sando nilang dalawa na susuotin rin bukas. Hahaha! Dun nga ata kami tumagal eh. Kasi naman, ang hirap maghukay ng mga sizes. Tsaka laging may kasamang pang "lola". Hahaha! Si Viene at Osang lang makakagets niyan eh. Hahaha! After nila makabili alis na agad kami dun at pumunta na ng Mcdo Katips ulit. Tapos yun, nagintay kami dun. At halos lahat ata ng mga tao na dapat mapansin pinansin na. Hahaha! Tapos si Viene ang kulit kulit, may hand gesture siyang ginagawa lagi na hindi namin matake ni Osang kung bakit siya gumaganun lagi. Hahahahahahaha! Viene! Saan mo ba nakuha yun?! Hahaha! Pag kami nahawa sayo. Hahaha! Dun na rin kami sa Mcdo naghiwahiwalay. Ayun lang naman. Bonding sessions with Blue Crush. Hahaha! Kaming tatlo yun.

Haaay, malapit na nila ako iwanan. Less than one month ko nalang sila makakasama kaya lubus lubusin na. :)


Currently listening to: Are you in - Incubus
Currently feeling happy.

Monday, February 07, 2005

Things would be better.

Today is the first day of "The Girls at the Center Week" of our school. This is a one-week celebration in which we do not have academic classes. We have different activities everyday. And today, we had a Math Jeopardy Quiz Show and each class should have one representative. Di kami umabot sa finals pero ayos lang naman kasi ang boring rin nung finals eh. Hahaha! The next activity we had was the Amazing Race. It requires all students of each class in our level to participate in this activity. Kasi sa 15 stations, dapat 3 students ang magtutulungan tapos yun, isa ako sa mga unang una. Hahaha! Napunta samin yung English subject. Pinagawa kami ng play. Hahahaha! Anyway, to make the long story short, our class didn’t won. Hahaha! Bukas iba nanaman gagawin naming, pero nakalimutan ko na kung ano eh. Medyo may times na boring pero ok na ren, walang class eh. Haha! Sige, pahinga na ko. Bye! :P



Currently listening to:
Minamalas – Mojofly
Currently feeling tired.

Sunday, February 06, 2005

It's better than I ever knew.

Last night we had a soiree with 2a of Ateneo. It was fun and I think it was successful kasi madaming pumunta. And I’m sure it was really a great night because it looks like everyone enjoyed it. Hehe! Natapunan pa ko ng Mudshake sa dulo ng pants ko at sa shoes. Pero yung right side lang at natuyo naman agad kasi biansa ko agad ng tubig. Yun nga lang, naka white ako na Chucks kaya medyo magkaiba yung color nila ngayon. Hahaha! Jowee kasi eh! Haha joke! :P

Dalawa yung games namin kanina sa GALS sa LSGH. The first game was against OB Montessori and the second one was against HOPE. We won against OB and we lost against HOPE. It was not good kasi nanalo na kami sa HOPE ng dalawang beses nung GVIT. I really don’t know what happened pero siguro hindi lang talaga para samin yung game na yun. Pero at least, kahit natalo nila kami may chance parin kami for finals. :P Tsaka may dalang tubig si Viene kanina kaya ang saya kasi gusting gusto ko yung ice niya. Hahaha! Tapos may na discover rin ako, yung kay Osang pala masarap rin yung ice niya. Hahaha! Oo na weirdo na ko. Hahahaha!



Currently listening to: Ocean Avenue - Yellowcard
Currently feeling numb.

Friday, February 04, 2005

Pagod na.

Just got home from our training. Grabe kapagaod pero ayos lang, productive naman. Tsaka we have 2 games on Sunday kaya we really need to train. Pero sana lang di sabay sabay yung mga lakad ko eh. Hahaha! Ang dami kasing events nagyong Feb. eh. Isa isahin ko?

Feb. 5
-Soiree with 2a
-Xavier fair
-SHS fair

Feb. 6
-2 games sa GALS

Feb. 9
-Speech Fest Finals
-Variety show ng faculty

Feb. 10
-Teachers' day celebration

Feb. 11
-Glee club and Cultural Concert
-LSGH fair

Feb. 12
-LSGH fair
-Sayawatha '96 and Pepsquad hardcourt concert
-GALS Beach Volleyball

Ok. Hanggang dyan nalang muna. Kasi nakalimutan ko yung iba eh. Nasa planner ko. Eh ang layo. Hahaha. :) Bukas di ko pa alam kung saan ako pupunta, kung sa soiree or sa Xavier fair or sa SHS. Bahala na. Makakadecide ren ako. Hahaha!

My mind is so blank right now, so i'll end this non-sense entry already. But before that, i'll post some pics nalang para naman basahin niyo parin kahit papano. Hahaha!


Me, Annavi and Jowee. Got this from Annavi's friendster. :P


Ako at si Cent.



Another vain pics of ours. Hahaha! :P

That's all for now! Ciao! :P

Tuesday, February 01, 2005

FINALLY

Ang pinakahihintay ng mga Green Batch ay na announce na kaninang umaga pagkatapos ng flag ceremony. Ano yun? Ano pa, yung winners nung speech fest nung Friday na binitin ang lahat ng Green batch dahil di kami agad natapos. Hahahaha!

Eto na..

3rd place: Section 2-8
2nd place: Section 2-2
1st place or batch represantativeS: Section 2-3 and Section 2-7

Astig diba? Pumasok pa kami sa 3rd place. Hahaha. Ok na samin yun. The fact na nag cram lang kami sa mga ginawa namin tapos pumasok pa kami. Masaya na kami talaga dun. Siguro out of 42 students sa class, 41 ang nasayahan sa place namin. Alam ko merong isa na hindi pero naiintindihan ko siya pero sana naman, wag niya ipakita. Anyway, congrats 2-8! Wow da best talaga! :P Congrats rin sa 2-2 na 2nd place. Kila Ash at Teki! :P At syempre, congrats sa mag rerepresent ng batch namin. Ang 2-3 at 2-7. Kila Maggie, Rona and Elaine. At sa 2-7, kila Michelle, Lena, Cams at Lady at lahat na! Hahaha! Galing niyo. Astig talaga Green, unbreakable tie. Buti nalang nag tie kayo kung hindi, di kami pasok. Hahahaha! :P Wag kayo patalo sa Yellow ha? Kahit na may mga nagsasabi sa kanila na unfair daw kasi dalawa yung representative natin. Well, wala naman tayo magagawa eh, may nag tie eh! Hahaha! At congrats rin sa iba pang sections ng Green. Lahat tayo panalo. :P Yung finals sa Feb. 9 na. Excited na ko. Excited ako makita yung mga mag peperform. Lalo na yung sa senior division. Feeling ko kasi ang gagaling ng mga nandun. Yung 3-8 at 4-8. Sila Ivana at Cathy at Viene. Hahaha! Good luck sa inyo!! Good luck na ren sa lahat ng representatives. :)

Tapos kanina rin pala nung English period namin, sinurprise namin sa Ms. Marfil dahil nag birthday siya yesterday. Grabe! Umiyak talaga siya. Anyway, happy birthday ulit Ms. Marfil! And gusto ko mag thank you kay Celine for planning everything for her. Good job Celine! :)

Sige, ako'y mamamaalam na. Aral pa ko sa Social para sa quiz. Ay hindi, maya na ko magaaral. Nood muna ko. Hahaha! Paalam. :P


Currently listening to: Dragonfly - Sponge Cola
Currently feeling happy! :P