Had training this morning at syempre napagod nanaman kami. Malamang. Hahaha. XD And I also got my report card. Nakuha kahit di pa ko cleared sa clinic dahil biglang di na pala kailangan ng clearance dun kasi sila daw may kasalanan. Badtrip rin yun noh, ngayon lang nila sinabi. Buti nalang di ko inasikaso kasi sayang yung gastos sa pag x-ray kung inasikaso ko tapos di na pala kailangan. Anyway, wala ulit akong line of 7. Yeahhhhh! Hahaha. XD Pero sa average meron akong isa. Badtrip na Bio yan. I hate Bio talaga. Argh! Hehe.
Anyway, I hate my afternoon because of someone. Badtrip kasi siya eh. Pag siya humihingi ng favor madalas ang bilis ko naman pumapayag. Tapos pag ako na humihingi sakanya, wala na. Parang ang hirap hirap kausapin. Pahirapan pa bago mo ma convince. Kailanagan galit ka para ibigay. Inaamin ko minsan di ko na ginagawa yung favor niya kasi naaasar ako sakanya dahil parang lagi nalang utos ng utos. Mga simpleng bagay hindi magawa. Sana naman alalahanin niya yung mga ibang bagay sa paligid niya. Nakakabanas na eh. Parang kanina, ang simple simple ng hinihingi ko hindi pa mabigay. Kailangan ko pa maghintay hanggang 3:30 bago makagamit ng pc pero pag siya pinapaalis niya ko dito ang bilis bilis niya ko napapaalis. Bakit ganun? Hindi ko siya makuha sa isang salita. Kung kaya ko lang siya saktan physically gagawin ko eh. Kaso di ko naman kaya eh. Kasi kahit papano nirerespeto ko parin siya hanggang kaya ko. Kaya nga kanina wala nalang ako nagawa eh. I just locked myself inside my room tapos nagpatugtog ng malakas para hindi niya marinig yung iyak ko at mga pigil na sigaw ko dahil sa sobrang inis kanina. Bahala siya kung mabasa niya toh, basta sinasabi ko lang nararamdaman ko at bahala ka na rin kung matatamaan ka o hindi. Nakakainis talaga!! Sinira niya araw ko. Arghhhhhhhhhhhh!!!! Badtriiiiiiiiiiiiiiiip!! Ayokong magpaapekto pero di ko naman magawa. Ang sakit sa ulo eh! At take note, nung bumalik ako ng 4:00 gamit parin niya at ang dami dami ko pa sinabi bago siya umalis. Puta, nakakabwisiiiiiiiiiit! Ok lang naman sakin na gawin niya yun kung may reason siya bakit niya ginagawa, kaso wala nga siyang masumbat sa mga sinasabi ko eh. Buti ganun, dahil ewan ko nalang pag sinabi pa niya na ako yung huling gumamit dahil siya naman talaga. Shit toh, ayoko na nga.
Kailangan ko na kalimutan toh. At least may napagbuhusan ako. Whew! Ang laking tulong, gumaang talaga loob ko. Haaay..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment