Monday, January 31, 2005

No classes.

Wala nanaman kaming pasok ngayon. President's day kasi. Pero bukas, meron na syempre. Hehe. At bukas na ren malalaman yung results ng speech fest sa Green Batch. Kung sinoman manalo Congrats! At wag kayo magpatalo sa Yellow. Hehehehe. Parang naisip ko lang, ayoko na pala manalo dun. Kasi pag nanalo class namin, syempre kailangan parin mag practice. Ngayon pa, na ang kasabay eh yung play production namin. Hehehehe. Anyway, kakagising ko lang. Medyo maaga na nga toh eh para sa walang pasok. Kasi dapat mga 12 pa ko usually. Ewan, nagising ako ng maaga eh. Hahaha! Nagising ng maaga pero late ako natulog kagabi kasi late na ko umuwi. Hehe. May party lasi kaming pinuntahan. Birthday ng tita ko. Syempre, as usual puyatan nanaman dun kaya yun. Mga 2am ata ako natulog. Maaga pa nga yun eh. Hehehe. Buti nalang wala akong pasok today. Swerte! Kaya iniinggit ko kagabi yung mga pinsan ko. Hahaha! Tapos nung morning, maaga rin ako gumising kasi choir kami sa mass. Na late nga ako eh. Haha. Kasi dapat 8:30 am yung meeting time. Dumating ako mga 9:15 na ata or 9:20. Basta yun. Pero ok lang naman yun. Hehehe. Ang saya nga eh, kasi after mass pinalakpakan kami. Bihira yun ah! Hahahahaha! Sana everytime na kakanta kami papalakpakan na kami. Haha!

Muntik pa pala kami magkatraining ngayon. Kasi kagabi tnxt ako ni Sir na training daw tom. Tapos wala siyang binigay na time. Tapos yun pala di niya alam na wala kaming pasok ngayon. Kaya yun, nag txt si Ivana kaninang umaga at sinabi niya na wala daw training. (Yes!) Hahaha! Pero bukas, sigurado meron. Sa totoo lang, dapat nagaaral ako sa Bio ngayon eh. LT namin bukas. Hahaha! Marami pa naman oras eh. Kaya yan. :)

Gusto ko ng ganito.....


It's a Mogu Courage. Gusto ko niyaaaaan. Hehehe. Actually kahit anong Mogu People ok lang sakin. Basta gusto ko ng Mogu!!!! :P Hahaha!

Marami pa kong gusto actually. Gusto niyo malaman? Next time nalang. Ciao! :P


Currently listening to: Akap - Imago
Currently feeling blank.

Saturday, January 29, 2005

Blank

May play practice kami kanina sa house ni Dans. Late ako! Hahaha! Kasi late ako nagising eh. Pero ok lang naman sa kanila kasi nung dumating ako wala parin sila masyado nagagawa. Tapos ang saya, ang saya sa group namin kaya thankful ako na kasama ako sa group ng Thailand. Sana maging maganda yung play namin. Dapat lang na maging maganda dahil exam namin toh sa English at Social. Hehe. Pagkatapos ng practice namin, nag punta kami sa Eastwood nila Tissa, Jowee at Pauline. Pano kami pumunta dun? Sinundo kami ni Philippe? Phillippe? Ay basta yung boyfriend ni Tissa. Hehehe. Syempre kasama ren namin siya dun.

Ang tagal rin namin dun. Kumain kami at nanood ng movie. Pinanood namin Meet the Fockers. Haha! Nakakatawa siya. Pero di ako sobrang natawa pero nakakatawa parin. Ang cute nung baby sobraaaaaaaaaaaa! Nanggigil ako tuwing lumalabas siya. Buti nga di ko nabuhos yung panggigigil ko kay Jowee kasi siya katabi ko nun. At least, na control ko yung sarili ko, kundi baka puro kurot na si Jowee sa arms. Hahahahaha! Badtrip nga eh, wala yung baby dun sa poster pero yung aso at pusa andun. Ano ba yun? Hahaha! Basta yun. Mga 11:30 ata ako nakauwi. Actually, kakauwi ko lang. Hahaha! Tapos may mga nangyari pa na hindi maganda pero di ko na lang sasabihin kasi hindi naman about sakin. Hehehehe.

Tapos panalo pala si Erich sa SCQ. Tsss. Sorry, yoko siya eh. Gusto ko si Paw. Hahaha!

Time to sleep! Ciao! :P


Currently listening to: Nahuhulog - Sandwich
Currently feeling nothing?

Friday, January 28, 2005

Speech Fest.

Whew! Speech fest namin kanina at isa lang masasabi ko: masaya ako, masaya kami. Hindi na ko umaasang manalo or magplace sa batch namin. Enough na sakin yung nagawa namin gandahan yung performance namin kanina kahit na ang daming nangyari sa classroom na hindi maganda during practice days and hours. At least, kahit medyo too late na yung pag cooperate ng buong class nagawa pa rin namin na gandahan yung performance namin kanina. Siguro kung mag pplace kami sa batch masaya na ko nun. Ewan ko ba. Pero syempre may part parin sakin na gusto ko rin manalo kami at irepresent ang batch namin. Pero ewan, ayoko mag expect ng kahit na ano. Basta ganito lang yan, kung hindi kami nanalo ayos lang, madaling tanggapin at sigurado akong masaya parin kami kahit na ganun. Pag nanalo kami, bonus na siguro samin ni God yun? At syempre, mas ok yun dahil mas masaya yun for sure. Hehehe. Well, hintayin nalang natin ang Tuesday. Badtrip kasi at di pa umabot kanina eh. Ang tagal kasi natapos ng Green batch. Masyadong pinapa suspense naman yung sa batch namin. Hahahahaha! Tapos kanina, ang sarap ng feeling after namin mag perform. Naging masaya talaga kaming lahat at mas nafeel ko yung bond ng class. Nakita ko na sobrang bonded na ng class namin lalo na nung after mangyari yung sermon samin kahapon ni Ms. Mac. Pero kanina talaga iba, siguro lahat inisip yung mga hirap, gulo, at mga nangyaring inisan sa classroom dahil sa speech fest tapos biglang tapos na at naging maganada yung kinalabasan ng ginawa namin. Sabi nga ni Jowee "Grabe. Worth it sobra.". Totoo yun. Sobra talaga. :)

Anyway, enough with the speech fest thing. Haha. Half day pala kami nagyon dahil ata sa SOMA. Kaya isang reason ren yun kaya hindi namin nalaman yung winners sa batch namin dahil half day eh. Haha. Tapos sa Monday wala kaming pasok dhail President's day. Ang saya. :) Pero kahit na walang pasok, daming mga practices na kailangan attendan. Sa mga araw na walang pasok meron kami laging English play practice. Buti nga tapos na yung speech fest kasi sigurado kung di pa, may practice rin dun. Tapos training rin. Feeling ko may training kami sa Monday eh. Wala lang. Pero kanina ang saya, wala si sir nung training. Si Myke yung nagbantay samin kaya ang saya. Hahahahaha! Teammates, alam niyo na yun. Hahaha! Tapos ang cute cute nung puppy ni Myke. Gusto ko ng ganun. Sobrang nanggigil ako nung nakita ko siya. Kahit ngayon pag iniimagine ko nanggigil parin akooooooooo! Hahahaha!

Medyo maaga ako nakauwi ngayon dahil hanggang 5 lang yung training kaya yun. Pag uwi ko, kumain ako at habang nanonood nakatulog ako. Ganun ba ko kapagod? Para makatulog? Hahaha. Basta tapos sumama pa ko sa Dad ko ihatid ate ko sa Tierra Pura para lang matulog sa car. Hahaha! Eh nag stop over pakami sa bahay ng tito ko at hindi na ko bumaba eh. Andun lang ata ako for 2 hours? or 3? Basta nasa loob lang ako ng car natutulog. Ewan ko ba pero ayoko talaga bumaba nun. Pinuntahan na ko ng pinsan ko at ng isa ko pang pinsan at ginigising nila ko. Pero di ko sila pinansin kasi ayoko talaga bumaba. Gusto ko lang nun, matulog matulog at matulog. Kaya pag uwi namin hindi na ko makatulog. Hahahaha! Kaya eto, nag blog nalang ako.

Haay, marami rin palang nangyari ngayon araw na toh. Umaga palang may iba nang nangyari. Diba Viene? Hahahaha.

Bukas nalang ulit. May practice pala kami bukas sa English play. ;P Bye.

Love you 2-8!
Love you teammates!



Currently listening to: Boulevard of Broken Dreams - Green day
Currently feeling awake (hahaha! malamang.).

Thursday, January 27, 2005

Malabong Lugar

Dahan dahang nagiiba
Palayo ng palayo ang nararating
Nais ko sana'y bumalik
Ngunit ako'y nahihirapan nang umalis
-
Tama ba ang aking pinasukan?
O ako'y nagkamali nanaman?
Ako ba'y pababalikin ulit?
Sa lugar kung saan ako'y magsisimulang muli
-
Naliligaw na nga ba ako?
Sa isang lugar na `di sinasadyang dinala ako
Nararapat ba ako rito?
O sinasayang ko lang ang oras ko dito?
-
Kailangan na bang umalis ng maaga?
Kailangan na bang putulin ang paglalakad?
Kailangan ko na nga bang bumalik?
At umalis dito sa lugar na walang katiyakan.

-
- 9:15 pm -

Ginawa ko ulit kanina nung pag uwi ko. Na inspire ako?! Nyahahaha. Anyway, may deeper meaning kasi yang ginawa ko na yan. Siguro yung iba magegets nyo yan. Haha. Basta yun. Grabe, hindi nanaman ako nagtraining ngayon dahil sa speech fest practice ng class namin. Napagalitan ba naman kami ni Ms. Mac nung umaga eh. At na sermonan nung Bio period kaya medyo nakakaguilty rin. Pero nung una, honestly nainis talaga ako kasi hindi naman nila alam kung gano kahirap ang hindi umattend ng training NAMIN kasi hindi madali yun para sabihin kay sir. Ngayon pa na ginawa na niyang mahigpit yung attendance. Sobrang inisip talaga namin ni Amanda kung ano dapat gawin namin. Pero dahil rin dun sa sermon ni Ms. Mac naisip namin kung ano talaga dapat ang puntahan. So, inuna muna namin yung speech fest practice kasi medyo nakakaguilty nga yung sinabi ni Ms. Mac. At bukas na yun. So, nagpractice kami hanggang matapos. Hanggang 6:10 nandun parin kami. Actually kaming dalawa pa yng nagsara ng lights and everything sa classroom. Tapos after pa nun, nung pagbaba namin at papuntang sportscom ang tagal naming naka stop ni Amanda sa stairs paakyat ng sports com dahil di kami maka decide kung pupuntahan ba namin si sir or hindi. Mga 10 minutes ata kaming nagtatago? Hahaha! Pero buti tama yung ginawa namin na nagpakita kami. :) As in tama talaga. Hehehehe. Tungkol naman sa practice nung speech fest, natapos naman namin pero medyo may mga mali parin. Pero sana magawa namin bukas. Sana magawa namin yung best at magawa namin ng maayos. :)

Good luck to all green batch. Good luck 2-8. ;)


Currently listening to: Una - Sponge Cola
Currently feeling blank.

Wednesday, January 26, 2005

Iwas

Muli nanamang gumising
Sa isang umagang napakalamig
Ilang araw na itong nauulit
Ngunit isa lamang ang hinahanap-hanap lagi
-
Init ng iyong kamay ay nais kong maramdaman
Sarap ng iyong yakap kailan kaya matitikman?
Sa bawat umagang sumasalubong
Tanging pangalan mo lamang ang ibinubulong
-
Hindi sigurado sa nararamdaman
Ngunit siguradong ako'y naguguluhan
Naguguluhan nga ba sa nararamdaman?
O sadyang pinagugulo lamang dahil iniiwasan?
-
- 8:15 pm -

Sinimulan ko toh sa classroom nung umaga tapos hindi ko natuloy kaya natapos ko siya ngayong gabi na paguwi ko. Hehe. :) Ewan ko bakung bakit pero nag prapractice kami nun ng speech tapos biglang ang daming pumapasok sa isip ko kaya di ko maiwasan na hindi isulat kasi sayang baka mawala. Pero kinailangan ko parin siya ihinto eh, kaya yun, kaninang paguwi ko dun ko lang sya natapos. :) Iba parin yung araw nagyon eh. Weird

Tuesday, January 25, 2005

Weird.

Ang saya saya ko ngayong araw na toh. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil sa maraming reasons. Kagabi hindi ako makatuog dahil sa isang bagay, pero ngayon parang hindi parin mawala sa isip ko. Hindi mawala at hindi ko ren ma deny sa sarili ko na isa rin yun sa mga nagpapasaya sakin ngayong araw na toh. Haaay, at dahil dun, dahil sa hindi ako makatulog kagabi kahit isang oras na ko nakahiga, nakagawa ako ng isang poem na nilagay ko lang sa cell phone ko. Isang stanza isang message. Haha. Ayoko siyang ipost. Bahala na.

Hindi ako nag training ngayon dahil pumunta kaming DFA. At alam ko na may alam ka Keavy at Dq kung ano talaga meron. Hahaha. Shhh na lang ok? Hahahaha! Nagpagupit rin ako nagyon. Medyo na iiksian ako. Pero siguro ok na rin toh. Hahaha! Tapos pumunta rin pala kaming UP. Tapos nag fish ball kami dun. The best talaga. Sarap! Hahaha! Kasama ko nga pala ate ko. Basta yun. Masaya. Dahil sinadya ring masaya talaga yung araw na toh. Hehehe. Umaga palang talaga may iba na eh. Basta, something unusual. Nyehehehe, labuan!

Nasasabaw ako ngayon na masaya na ewan ko na.. Haha! Weirdo.

Isa pa palang mas nagpasaya ng araw na toh ay yung bigayan ng card nung dismissal. Hindi ko talaga ineexpect yung lumabas sa card ko. Basta, kinabahan pa nga ako kasi si Ms. Macaresa yung nagbibigay (duh, malamang homeroom ko eh!) eh subject nya yung hirap na hirap ako itaas. Hahaha! So medyo pa suspense pa kasi third to the last ako sa class so medyo huli pa yung card ko. Habang palapit na ng palapit parang kinakabahan ako. Hindi dahil sa grades, pero dahil sa sasabihin ni Ms. Macaresa sakin kasi nag cocomment siya sa lahat ng tao. Hahahaha! Habang lumalapit na talaga iniisip ko na yung pwede niyang sabihin sakin. Iba iba pumapasok sa utak ko, isa na dito yung "Ah Cha, medyo taasan pa natin toh ha?" Basta kung kilala mo si Ms. Macaresa alam mo na kung pano niya sinasabi yan. Medyo pabiro na seryoso parin. So ayan na, ako na, pagdating ko dun sa teacher's table sign agad ako para umiwas sa tingin niya. Hahaha! Tapso habang nag ssign ako medyo nanginginig pa ko. Sabay biglang sinabi niya, "Akala ko wala ka Cha eh. Ok naman yung iyo, good tumaas ang Bio mo (yun yung siubject niya)" Napahinto talaga ako nung sinabi niya yun. Parang shiyet, di ako makapaniwala kasi sobrang feeling ko napaka baba ng Bio ko nung 3rd quarter. Kaya yun, pagtapos nun parang gusto ko hug si Ms. Mac. Mas naging masaya pa lalo yung araw ko. Ang saya saya ko dahil wala akong C. Ibig sabihin wala akong line of 7. Ang saya ko na nun. Sorry kung nabababawan kayo pero masaya na ko dun eh. Masaya na ko dahil hindi ko napansin yung effort ko para sa grades na yun. Hahahaha! Masaya naman talaga yun diba? Makakuha ka ng ganung grades na hindi ko naman inaasam? Hehe. Basta nagiging malabo na sinasabi ko. Gets niyo na yun. Hahahaha! Kaso nag lang, hindi na ata ako exemplary behavior kasi B ako sa Homeroom. Rar! Sayang. Pero mas ok na yun sakin kapalit ng walang C. Hahahaha! Asteeg talaga.

Congrats nga pala sa mga honor ulit. Lalo na kay Annavi. Steeg ka Annavi! Galing galing mo birthdays!! Hahahaha!

Bukas mag ttraining na ko. At bukas hindi ko alam kung anong mangyayari pero sana maging masaya ulit. Sana mas masaya pa. :) Hahaha. Paalam.


Currently listening to: Jillian - Sponge Cola
Currently feeling blissful.

Monday, January 24, 2005

No classes.

We have no classes today because of the PTC. But I don't see my grades yet. Bukas pa nila ibibigay eh. Anyway, I just got home from my former school. I went there with Keavy. Sobrang namiss ko talaga yung mga tao. Lalo na si Sarah. I miss you so much besty. :( Kahit na nagkita na tayo miss parin kita. Hehehe. That's why I'm really thankful for this day. No classes, no english play practice, no speech fest practice, and most of all, no training. But I'm not saying that I hate training. Ayoko lang ngayong araw na toh. Because I wont be able to visit JASMS if we had a training. At tsaka tatlo games namin nung weekend noh. Hahaha. Muntik pa kami matalo nung isang game ung Sat. buti nalang ang galing galing ni maggie. Hahahaha! Love you Maggie! :) Kung hindi siguro kami nanalo baka hindi naging masaya yung Soph Night ko. Pero astig talaga nung Soph night. Ang saya sobraaaa. Thanks nga pala kay Micah Bautista. :) Ang galing ni Michelle Molas. La kong masabi. Hahaha. Kahit yung teammate ko na pink batch nagalingan sakanya. Pero totoo naman kasi eh. Well, iba na pag green. Haha joke. Back to reality nanaman bukas. Tapos na yung field trip na matagal kong inintay, soph night at iba pa. Pero ok lang, last quarter nanaman toh at summer na ulit!!!!!!!! Yey! Hahahaha! Medyo tinatamad na ko mag sulat, kaya bukas nalang ulit. Paalam.

Currently listening to: These days by Bamboo
Currently feeling satisfied.